YANNA "PPPPIIIIIT!!" Ay kamote. Panaginip lang pala. Nauntog ako sa busina. Teka, Pero ba't si Lloyd at hindi si Tiago ang napanaginipan ko? Kainis. From: Mama (Tiago) Andito samin ang mga bata, namiss kasi namin. Ingat. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone ko. "Hello Kim? Napatawag ka?" "Tokwa, di ba sabi natin sabay? Asan ka na?" "Ay oo nga pala. Papunta na." Pinatay ko na ang tawag at nagdrive ako papunta kay Kim. "Sa'n ka ba napadpad?" "Wala, naligaw lang." "Labo mo." Bago pa ako sumakay ay nakita ako ni Rancjay. "Yanna!" "Pasok ka muna Kim. Kausapin ko lang 'to." Hinarap ko siya. "Sorry na. I didn't realize what I was saying. Di ko naman sinasadyang sabihin yun." "Okay na." "Balik trabaho ka na ba?" "Ikaw, kung an—" "Sige kita nalang tayo bukas. Mukha

