LLOYD "Babe, tulala ka ata." Sabi ni Samantha. Iniisip ko yung babaeng nakita ko sa Christmas Party ng school na pagmamay-ari nila Samantha. Yung may kambal. "Ah, wala. Sige, alis na ako." Kakauwi lang namin galing States, at may gumugulo sa utak ko. Sino ba yang Yanna Marquez, ba't nasiyahan ako nung nakita ko siya kahit unang pagkikita palang namin? Habang papunta sa subdivision ay may nasiraan ata ng kotse kaya minabuti ko munang huminto. Siya 'to ah. Ayaw kong magtanong dahil halata namang wala siyang alam sa gagawin niya sa kotse niya, kaya inayos ko ito. Nagpasalamat siya at umalis. Ba't pinagtatagpo ata kami? Umuwi ako sa bahay at nagbihis nang biglang tumawag ang sekretarya ko. "Hello Sir? May meeting po kayo with the Laurel Furnitures bukas, since wala si Sir Laurel, hi

