TIAGO If magiging guest man ako sa isang variety show at kailangan nila ang advice ko, sasabihin ko talagang wag ng magbuntis. "Papa Tiago, bakit bilog ang buwan?" "Kasi di ko alam." From uod to buwan na ang usapan namin. Kulang nalang yata halukatin niya ang mga tinatagong misteryo ng mundo sa dami ng tanong nito. "Papa Tiago, triangle ba yung Bermuda Triangle?" "Di ko alam." "Papa Tiago." "Di ko alam." "Tiago." "Di ko alam" "Hoy!" "Hoy!" "Galit ka?" Tila subok na tanong nito sa akin. "Char ano yun?" "Bakit Tiago pangalan mo?" "Di ko alam." Pinandilatan naman ako nito. "Hindi ko talaga alam promis— char. Baka fan sila Mama ni Jose Rizal tas nagandahan sa pangalan ni Kapitan Tiago kaya ganun. Mashock ka kung Maria Clara pangalan ko." Akala ko hihinto na siya sa pagtatanon

