Chapter 7

1077 Words
TIAGO "Ano?!" ''Sige na Tiago please..." Pagmamakaawa nito. Kumurap-kurap pa ang mata nito habang nakanguso. Pambihira. "You're insane. Wag mokong minomolestya." "Maghubad ka mga ng tshirt mo eeeeehh." Three months na siyang buntis. Ewan ko kung kakayanin ko ba. Yung ref namin puro mansanas tsaka chocolate. At ayaw niya ng gatas?! As in gusto niya agahan, tanghalian at hapunan chocolate lang tapos apples. Tapos ngayon hubarin ko daw tshirt ko? Nang-aabuso 'tong buntis na'to eh. Pag ako nainis papaanakin ko 'to ng maaga at nang makutusan ko na. Wooh #GenderEquality "Sigeeee na Tiago, pleeeeaaassse." Napatingin nalang ako sa kanya at unti-unting hinubad ang tshirt ko. "Yum!" Agad niya akong yinakap dahilan para matumba kami sa kama. Itinaas niya ang kamay ko at bigla namang dilaan ang—kili-kili ko? "HAHAHA Yanna! HAHAHAHAHA TAMA NA!! HAHAHAHA." pero ayaw niyang tumigil. "Kuha mo ako ng apples Papa Tiago." Sabi niya habang nagpapacute. "Sige." Agad naman akong tumakbo papunta sa kusina. Kumuha ako sa ref ng apples at hiniwa ito, kumuha na rin ako ng chocolate. Sinubukan kong tikman ang kinakain niya. Okay naman. Nakita ko siyang nakatingin sa laptop ko na parang may binabasa. "Ano yan?'' Tanong ko at sinilip ang nakasulat. "Look Papa Tiago." Sabi nito at tinuro ang sinearch niya. Binasa ko ang nasa screen. "Can pregnant women have s*x with their husband?'' Bigla akong nabulunan sa kinakain ko. "Okay ka lang Papa Tiago?" Sabi niya at hinapyod ang likod ko. Alang-alala naman ito at tumayo para kumuha ng tubig. "Ano bang iniisip mo? Ha buntis?" Tanong ko nang makarecover na ako sa near-death experience na yun. "Namiss na kasi kitang—" "Shut that apple-hole of yours." "Pero—" "Ito na apples mo. Pagkatapos niyan maligo ka at pupunta daw si Mom." "Ang ganda ko naman, no need." Pagsuway niya. "Yanna.'' ''Ayaw. Malamig ang tubig." Ilang taon na ba ang kausap ko? "Ako magpapainit." "Ayaw ko nga." "Yanna." Pagmamakaawa ko. Lumuhod na ako sa harap niya. "Papa Tiago palabasin mo muna si baby bago tayo ikasal hm?" Agad naman akong tumayo at napairap. Babaitang 'to jusko. "Teka, teka. Sige ganito, sabay nalang tayo maligo" "If that's what you- WHAT?! Nahihibang ka na.'' "Sige na Papa Tiago." "Okay. Kesa mamantot ka." "Gusto mo naman." "Oo na Yantot." "Ba't tunog kan—" agad kong tinakpan ang bibig nito bago pa may masabing iba. Tinutulungan ko siyang punasan ang buhok niya nang may biglang kumatok. ''Sandali lang!" Sabi ko habang pinupunasan ang buhok ko. "Uy buntis, take your time naman." "Mom!'' Kiniss ako ni Mom at pumasok. May dala itong prutas at cookies. Masaya kong kinuha ang basket nang bigla siyang magsalita. "Bumalik ka na sa bahay Tiago, miss ka na ng Dad mo." "I will Mom, after Yanna gave birth to our child." I answered without even looking. "Huh? What do you mean?" By the looks of her, she's obviously puzzled. "Tiago? Nag-order ako ng pizza na walang ketc— Oh." Natulala naman si Yanna nang makita si Mom. Parehas silang nanigas. Uso ba 'to ngayon? ''Yanna." Tawag ko dito. "Meet Mom, Mom meet Yanna. Buntis po siya, at ako ang ama." I waited for my mother's reaction. She's "You mean..." Her eyes are getting teary. I know she'll be happy with this. "Yes Ma. I am a father now." Sumilip naman si Yanna mula sa likuran ko, and when she confirmed mother was happy, tumayo siya sa tabi ko. Mom cupped her cheeks with both of her hands and started hugging her. Akala ko nung una mahihiya si Yanna but look at her now. "May nunal po pala si Tiago sa may singit niya?" Excited nitong tanong. "Ah oo t—" "Tatlo po diba?" "Ah oo. S—" "Sa magkabilang singit, isa sa kaliwa dalawa sa kanan. One inch ang layo sa—" Hindi ko na narinig ang sinabi pa ni Yanna nang biglang nagring ang cellphone nito. Sinagot ko ang tawag pero bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya. "Hi Yanyan. Do you remember me? Hahahaha perhaps no. Si Clyde 'to. Hope to see you s-"agad kong pinatay ang tawag. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko at ang pagpunta nito lahat sa ulo ko. Sinong Clyde at bakit niya tinawagan ang Yanna ko? "Tiago!" "O? A? A-ano? Sino? Saan? Ha?" Napangiwi naman si Yanna. "Tara nga! At marami tayong pag-uusapan." Tumakbo ito papunta sakin at hinila ako papunta sa sala. "Ang suwerte mo naman kay Yanna." "Yes Mom. She's the best." Sino yung Clyde? Ex ba niya yun? Bakit niya tinawagan si Yanna? Bakit? Bakeeeet? "Uy Tiago!" "HA!" Nagulat naman si Yanna at si Mom. "Hallelujah hehe, ano?" "Pumunta daw tayo sa inyo." "Ah? Sure. Saan?" "Tiago?" Tawag sakin ni Yanna. "Hm?" "Kulang ka ba sa tulog?" Tanong naman ni Mom. "Hindi naman." Sagot ko. Clyde? Wala naman siyang nakekuwentong ganun? Malamang kasi bago palang kami. Sino ba yun? Ano kailangan niya kay Yanna? Haaaaa? "Mukhang puyat kayo kagabi ah?" Puna ni Mom. "Halata po ba?" Agad namang tanong ni Yanna. "Po?!" Sagot ko. "Agad kang nagising sa simpleng puna. Mukhang alam mo agad ang ibig kong sabhin." Mahihin namang bumungisngis si Mama. "Lalaki na talaga ang Totoy ko." "Lalaki naman talaga ako Mom. Kelan pa ko nagkata—'' Pinalo naman ako ni Yanna. "Shush. Bawal bad words." Look who's talking. "Sige, dumaan lang talaga ako dito. Mauna na 'ko. Tiago, behave. Yanna? See you ulit. Stay healthy ha?" Tumayo na si Mom at hinatid ko siya sa may pintuan. Bago siya tuluyang makaalis ay kinausap niya ako. "Tiago, take care of Yanna. Girls like her are rare nowadays. Be good to her okay?" "Ma, hindi mo na kailangang ulit-ulitin yan. Tumaob ang rainbow boat ko dahil kay Yanna, of course I'll take care of her. I'll never hurt her. You can be sure with that." "I'm just reminding you, in case you forget." "I'll never forget Ma. Lakas ng tama ko kaya kay Yanna." "Sige na pumasok ka na sa loob kaya ko nang mag-isa." "Ge Ma, labyu!" Agad na akong pumasok sa loob at nakita kong kumakain si Yanna ng mansanas. "So Yanna—aray!" Batuhin ba naman ako ng mansanas. "Ano?!" "Galit ka?" "Hindi po." "Anong ginawa mo kagabi? Ba't lutang ka?" "Ha?" "Sinabi kong pumunta tayo sa inyo tapos tinanong mo kung saan? Baliw ka na ba?" "Sinabi ko yun?" "Oo." Ah kaya naman pala sinabi yun ni Mama. "Pero Yanna sino si C—" "Tse!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD