Wala na ang lobo ng magising siya kinabukasan,nasa kama na rin siya nakahiga,sino nagbuhat sa kanya roon? Si Patrikk? Ito lang naman ang may alam ng password niya eh! Tama,sigurado siya nga yun at sinundo na nito ang alaga nito lobo bago pa man siya magising. Yeah,sana man naalipungatan siya para naman makita niya ito. She sighed. Hmp,sino ba ko para mamiss niya? Siya kasi namimiss na niya ito. Imbes na isipin pa niya ito itinuon na lang niya ang isip sa trabaho niya hanggang sa mag-uwian na. Wala siya nagawa ng hindi siya mabitbit ng katrabaho niya binabae na sumabay rito sa pagbaba ng building. Naghihintay na raw sa kanya ang boss nila at dahil nagdadahilan lang naman daw siya kaya hindi na siya bibigyan nito ng pabor. Ano ba ang laban niya rito. Kahit binabae pa ito lalaki pa rin it

