Pinakikiramdaman niya ang dalaga,tahimik lang ito mula ng sumakay ito sa kotse niya. Kung hindi lang siya nito hinila baka nasapak na niya ang boss nito mayabang. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng maalala ang karakas ng pagmumukha ng lalaki yun! "Bakit ka pumunta?" bigla nito sabi. Nilingon niya ito at naguguluhan ito nakatingin sa kanya. "Hindi ba iyun ang gusto mo gawin ko para tantanan ka na niya?" mariin niya sagot. Nag-iwas ito ng tingin. "Pero hindi ko naman sinabi na boyfriend kita.." "Mas madali na yun paniwalaan ng ungas na yun,I don't like him!" tiim-bagang niya saad. She sighed. "Kung hindi pa ko dumating sasama ka ulit sa kanya? you just giving him a false hope,Avril.." mariin niya saad. Tumalim ang mga mata nito sa kanya. "I don't! Sinasabi mo na naman

