Chapter 3

1036 Words
Cristine Soriano Patuloy akong nakikinig sa orientation ng kinalabit ako ni Toneth. Oo ang matalik ko na kaibigan,hindi niya sa akin sinabi na nagexam siya at nakapasa din. Magkaibang araw at batch kami ng kumuha ng exam kaya hindi ko siya nakita nung kumaha ako ng exam. Sabi ko nga dito sana nagsabay na lang kami magexam para naman may nakakausap ako nung araw ng examination. Ang sagot nito para daw hindi siya nakakahiya kung hindi man siya palarin pumasa sa scholarship at nung nalaman niya na nakapasa din siya sadya daw nilihim na ito sa akin,para dito na lang kami sa foundation magkikita at magugulat daw ako. Sadya naman na ganun ang nangyari at talagang masaya ako kasi may makakasama ako sa dormitory,na kakilala na at hindi na iba sa akin. “Ang guwapo niya bestfriend,at ang tangkad grabe ang muscles parang madudurog ako kapag niyakap ako niyan.” Sabi niya sa akin habang nakaturo sa taong umaakyat sa stage. Tinitigan ko nga ang lalaking bagong dating.Talaga naman sa tikas at malakas na awra nito ay mapapalingon ka talaga. Naalala ko tuloy ung bidang lalaki sa sinusubaybayan ko na Turkish drama,talagang napunta pa ako kina Toneth para lang makinood ng tv,pero pansin ko parang may edad na ito. Pero lalo lang magpadagdag sa image nito na lalaking lalaki lalo at pagkamotrno. Ayaw ko kasi ng mapuputi kasi pakiramdam ko mas maarte pa sa akin pag nagkataon, Oh my God! Bakit ba nasama ang tipo kong lalaki? Hay! hindi yan ang focus ko ngayon,kailangan ko magaral para makatulong ako sa mga magulang ko at ako naman ang magpapaaral kay bunso pagtapos ko. “Hmmm oo nga guwapo pero parang may edad na baka may asawa na yan,sa estado niyan imposibleng single pa yan.” Sagot niya kay Toneth." “Ayan ka na naman si kontra, Hay Naku! Ano ngayon kung mas matanda siya sa atin? Ok nga yun kasi magiging baby tayo,diba yun din gusto mo yung ginagawa ka baby kapag nagka bf ka,kasi mas gusto mo yung mas matanda sa iyo at matured na din magisip. Pero yun nga din naiisip ko friend baka nga may asawa na yan sa estado niyan. Suwerte naman ng asawa niya." Panghihnayang ng kanyang kaibigan. ________________ “Welcome po Sir.” Salubong sa kanya ng nagmanage ng foundation. Pagkakita nito sa akin ay ginaya na ako pakyat ng stage. “Sorry medyo late ako. Naipit sa traffic at my unexpected accident sa daan.” Hinging paumanhin niya. “Ok lang po Sir at patapos pa lang naman ang orientation. Tama lang po dating ninyo para sa awarding ng scholarship,sa mga benificiary nito at pagbibigay po ng konting speach sa kanila.” Pagpapaliwanag sa kanya. “Ok thank you” Sabi niya. At tinawag na ako sa harap para magbigay ng konting speach. Habang ako ay nagsasalita napatingin ako sa isang partikular na dalaga,hindi ko alam bakit iba ang naramdaman ko nung nakita ko siya. parang bigla tumalon ang puso sa saya na hindi ko mapaliwanag,lalo nung tinitigan ko ang kanyang maamong mata na parang nangungusap. Simpleng dalaga na nagbigay sa akin ng iba pakiramdam,pagkaupong pagkaupo ko tinanung ko agad si Mrs Reyes tungkol sa pagkakakilanlan ng dalaga. “Mrs Reyes kasama ba sa mga nakapasa ang dalaga na iyan.” Tanung niya dito. Sabay na simpleng pagturo sa dalagang nakita,na nagbigay sa ginang na kakaibang expression sa akin. Kaya napaisip ako at napamura sa sarili. Of course nga naman kasama ang dalaga dahil andito ito at nakaupo para umaatend ng orientation. Napailing siya nung narealize na obvious ang tanung nito sa ginang,pero magalang pa din ito sinagot ng Ginang. “ Yes! po Sir Sa katunayan nga siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa lahat ng batch na kumuha ng pagsusulit. Siya si Cristine Soriano. ” Sagot ni Mrs. Reyes sa kanya. “I see.” Simpleng sagot ko niya. “Cristine Soriano,beautiful name for a beautiful lady. Mark my word. You will be mine soon honey. I’m willing to wait, What ever it takes.” Mahinang sabi niya sa sarili. ________________ “Kita mo yun girl iba titig sa iyo ni tanda hehehe. Grabe matutunaw ka sa pagkatitig eh. Ok lang yan yummy pa din naman kahit my edad na. Abot dito ang pabango niya grabe pangmayaman talaga.” Sabi ni Toneth sa kanya. Naamoy niya din ang humahalimuyak nitong pabango at nasa bandang unahan sila ng kaibigan. Naramdaman ko nga kanina ang pagtitig niya sa akin,kaya bigla ako nailang kasi grabe ang titig niya sa akin. Pero inisip ko na lang na nagkataon lang ang lahat at imposible akong magustuhan nito lalo na baka may asawa na din ito. “Hinaan mo nga boses mo,marinig ka nakakahiya kaya. Walang ibig sabihin ang pagtitig niya,nagkataon lang,kaw talaga kung anu anu nakikita mo. ” Sita niya sa kaibigan. At oras na ng scholarship awarding at dahil sa dulong hanay nagsimula ang pila. Nakikita ko ang mga kapwa scholar ko na may 50 katao. Ganito karaming katao na umaasa na tulad ko na matupad ang mga pangarap sa buhay. Kasama ang aming pamilya,at hanay na namin ang nakapila sa baba ng stage,pero ewan ko ba may kaba akong nararamdaman habang paakyat ako sa stage lalo at naiilang ako sa pagkatitig sa akin ni Mr. Valdez. “Congratulation.” Pagbati akin ni Mr. Valdez. Pakiramdam ko ay huminto ang mga oras at kami lang dalawa dito. Bakit kaya ganito pakiramdam ko? Na parang nakita ko na siya dati pero hindi ko alam kung saan. “Your hand is cold honey” Sabi niya sa akin. Ang pagtawag niya sa akin ng honey ang nagbalik sa akin sa kasalukuyang nagaganap. Mahina lang pero sapat para marinig ko ang pagtawag niya sa akin ng honey. “Thank you po Sir” Pagpapasalamt niya dito. Nilagpasan ko na si Mr. Valdez,nakakahiya mamaya kung anu isipin niya at napatulala ako kanya. “Ang bango niya girl at ang lambot ng kamay niya,grabe talaga papayag na ako maging kabit niya hahahahha.” Nagbibirong sabi sa kanya ni Toneth. “ Tumahimik ka nga diyan nakakahiya.” Saway niya sa kaibigan. Bigla ko naitanung sa aking sarili,bakit ganito ang pakiramdam ko? parang maraming mangyayari na hindi ko makokontrol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD