Daniel Valdez
Paguwi ko sa bahay nagulat ako at may mga bisita. Andun din ang magulang ni Toneth,hinanap ko agad ang aking magulang pagpasok ko ng aming bahay.
“Nay,Tay. Anung meron? Bakit may bisita tayo? Bakit maraming pagkain anu pong meron?” Naguguluhan tanung niya sa magulang.
“Anak napagusapan namin ng iyong ama na bigyan ka ng konting handa. Para maicelebrate mo ang pagkakapasa bilang scholar ng Valdez foundation. Napagalaman din namin na plano din pala maghanda ng nanay ni Toneth,kaya sabi ko ay pagsabayin na lang namin para sumapat ang aming handa para sa inyo.
Bigla akong natouch sa sinabi ng aking magulang at hindi ko naiwasang mapaluha. Ramdam ko ang pagmamahal at pagiging proud nila a akin.
“Tay sana hindi na kayo naghanda at tinabi na lang po ninyo ang perang pinanghanda ninyo sa akin,ok lang naman po kahit wala handa,importante alam ko proud po kayo sa akin.” Sabi niya sa kanyang magulang.
“Anak konti lang naman yan at talagang sadyan namin pinagipunan namin ng iyong Ina ang pinambili namin ng ihahanda ngayon. Kaya hayaan mo na kami,siya tama na yang pagiyak at dapat masaya ka ngayon,kasi special ang araw na ito,hala puntahan mo na kaibigan mo ng makakain na kayo.” Sabi ng kanyang Ama.
_________________
“Yes Sir. May hinahanap po ba kayo?” Tanung sa akin ni Mr. Reyes. Nung napansin niya na ako ay palinga linga.
Hay kabilis naman mawala ng dalaga na iyon,alam ko may iba din itong naramdaman nung hinawakan ko ang kamay niya para batiin,nakita ko na bigla siya natigilan at namula kaya hindi ko napigilan na tuksuhin siya na lalo niya kinapula. Oh! God Daniel, seriously talagang sa mas bata ka pa talaga nabaliw. Hindi puwedeng hindi ko siya makilala. I have to know all about that lady and she is mine, I see to it she will become Mrs. Valdez in future.
“Wala naman pero tanung ko lang may copy ka ba ng mga list of scholar natin ngaung batch?” Simpleng tanung niya kay Mrs. Reyes.
“Yes Sir. I do have po. Nasa office ko lang,pati yung interview video nila during assessment meron din po.” Sagot niya sa akin. Biglang tuloy akong napangiti dahil napadali ang paghahanap ko ng information tungkol sa dalaga.
“Ok can I have it? For reference purposes if some company want to give support in our foundation.” Pag rarason niya kay Mrs Reyes. I may sound defensive,pero hindi ko palalagpasin ang chance,para makita ko ang maamong mukha ng dalaga.
“ Ok po Sir. Doon po tayo sa office.” Sabay nito sa kanya. At sumunod din ito sa huli.
Pagkauwi ko sa penthouse wala akong sinayang na panahon,sinaksak ko sa aking laptop ang usb na binigay sa akin kanina ni Mrs. Reyes. And then I particulary looked for Crisitine Soriano videos and information. Malaking ngiti ang pumaskil sa aking labi nung nakita ko ang aking hinahanap. At nagsimula na play ang video.
Seryoso akong nanonood ng bigla may nagdoorbell sa unit ko. Nagtaka ako kung sino ang pupunta,kaya wala akong choice kung hindi tumayo at tingnan kung sino ang nangistorbo sa kanya. Ang plano niya,paaalisin ito agad kaya pinause niya lang ang kanyang pinapanood.
Pagbukas niya ng pinto,nagulat siya ng bigla sumalisi ang mga istorbo niyang kaibigan. Ito pala ang malaking istorbo sa kanyang panonood.
“All of you,What the hell are you doing here?” Tanung niya sa mga kaibigan.
“Oh! What kind of expression is that Valdez? Parang hindi ka natutuwa na dinalaw ka namin dito.” Sagot ng isa niya kaibigan. Si Oscar Dominguez, na tinuturing namin na pinaka palikero sa lahat,kasi lahat pinapatos nito kahit siguro poste na damitan lang ng pambabae papatusin nito.
“Oo nga naman,ayaw mo nun dinadalaw ka namin. Mamaya kailangan mo ulit ng kalinga namin kasi tinakwil ka na ng magulang mo. Hindi kana kasi nagiging masunurin na anak.” Hirit naman ni Kenneth Santos. Na tirador ng bata,kasi ang latest na binabakuran nito ay bunsong kapatid ni Charlie na isa din sa kaibigan ko at Si Dave na pinakatahimik sa amin. Suplado kung maituturing kasi wala siya pakialam kahit anung gulo,basta masaya na siya kapag may kinakain na siya lollipop,nung una parang weird siya,pero nung nalaman nmin ang dahilan kung bakit favorite niya lollipop hinayaan na lang namin ang kanyang trip.
“Uy! ganda nito bro ah. Ilan taon na ito parang bata pa ah?” Narinig niyang sabi ng kaibigan. Bigla akong natauhan at naalala ko nga pala na hindi ko napatay ang laptop at nakapause lang yung pinapanood ko.
“Hey! Moron don’t dare to touch it.” Banta niya kay Oscar. Mabilis niyang kinuha at sinarado ang laptop.
“Hindi ko naman akalain na katulad ka ni Kenneth. Cradle snatcher,parang may plano ka na atang bakuran ito. "Mapangasar na tudyo ni Charlie sa kanya.
“Wala kayo pakialam. Anu ba kasi ginagawa niyo dito ha?” Tanung niya sa mga ito.
“Valdez! Diba kaw ang tumawag sa amin at nagpapunta dito? Para sabay sabay tayong pupunta sa mansyon ninyo para magdinner.” Sagot sa kanya ni Danie.
Bigla ako natigilan at napamura sa sarili,muntik ko na nga malimutan na pinapupunta nga pala ako sa mansyon. Kailangan kong sundin kasi kung hindi,pupunta na naman si Mom sa office at dun magliligalig na Ayaw ko mangyari yon dahil marami akong ginagawa.
"Sh*t! Oo nga pala,wait niyo ako at magshower lang ako. Wala kayong pakikialaman sa mga gamit ko ha. kung hindi pasasabugin ko mga opisina nyo.” Pagbabanta niya sa mga kaibigan. Bago pumasok sa loob ng kuwarto para magshower.
“Nacurius talaga ako. Who is that girl? At natataranta si Valdez, ayaw ipakita sa atin” sabi ni Oscar.
“Oo nga eh! Ang ganda nun dude,kaya siguro binabakuran na ni Valdez.” Hirit naman ni Kenneth.
“Siya alamin naman natin kung paano mapapaamin si Valdez.” Nakakagulat na comment ni Dave.
“Schedule na natin yan!” Sagot naman ni Charlie na pare pareho ang naiisip at mga nakangisi.