Cristine Soriano Lalong naging mas protective ngayon si Daniel sa kanya. Lahat ay may limitation kahit ang pagtawag at pagkausap sa kanya ay may limitasyon din dahil ayaw nito na mapagod siya masyado at gusto nitong manumbalik agad ang lakas niyad. Tulad ngayon na tahimik lang siya ng sabihan siya ni Daniel na kailangan na niyang magpahinga. Nagkamustahan kasi sila ni Toneth at masaya siya dahil ok na ang kanyang kaibigan lalo ng nalaman niya na naging kritikal ang kalagayan nito dahil sa kemikal na nailagay sa kinain nito. Tulad niya ay nasa hospital pa din ito at nagpapagaling. “Hon are you mad at me?” Tanung ni Daniel sa kanya. At umiling siya dito bilang sagot. Siguro dahil ramdam nito na hindi siya kumikibo at puro tango at iling lang ang sagot niya dito. Nakita niyang bumuntong hin

