Daniel Valdez Bigla siyang naalimpungatan at balikwas ng tayo ng maramdaman niyang wala si Cristine sa kanyang tabi. Talagang hindi pa din naalis ang takot niya kapag wala sa tabi ang asawa niya. Tinawag niya ito at narinig niyang may ingay na nagmumula sa cr kaya naman agad niya itong pinuntahan. Tulad ng kanyang inaasahan nakita niya ang asawa sa loob nito at nakaluhod sa toilet bowl habang nasuka. agad niyang hinawakan ang buhok nito para hindi mabasa at hinagod ang likod nito. Awang awa siya sa asawa niya dahil nkita niyang halos wala na itong maisuka pero duwal pa din ito ng duwal. Ng nakita niyang huminto na ito sa pagduwal ay dahan dahan na niyang tinayo ang asawa at siya na ang nagflush ng bowl. Bubuhatin na sana niya ang asawa palabas pero pinigilan siya nito. “Magtooth brush

