Gemini Leondale
*Bbbbbbbzzzzzzzzttttttt*
"nakahabol ang 3 points shoot by Briquintosh" saad ng announcer sa basketball league na nagaganap ngayon.
Yes you read it right kasalukuyan akong nanonood ngayon ng laro ni Silver.
"Woooohhhooohhhhh" sigawan ng mga kateammate ni Silver at nagdagungdong rin ang mga sigawan dito sa arena dahil sa pagkapanalo ng kupunan nina Silver.
Siguro nagtataka kayo kong sino ako no ako nga pala si Gemini Leondale nag aaral ako sa L.U.B U. ( Stands for Lincoln Uy Briquintosh University) and yes you read it right pagmamay ari ng pamilya nina Silver ang University na pinapasukan ko.
I am an Office Administration student sabi daw nila mukha daw akong babae lalo na dahil sa snowy kong balat namana ko kasi ito kay mommy at ang mga mata ko daw ay bilugan na dark emerald ang kulay may lahi kasing british ang daddy ko at sa kanya ko nakuha ang emerald eyes ko.
Maliit rin ang height ko kumpara sa mga kaklase naming lalake kasi ang height ko ay maihihilera sa mga kababaihan slim rin ang katawan ko mahilig akong kumain pero hindi naman ako tumataba siguro mabilis lamang ang metabolism ko ang buhok ko rin ay pixie cut na mas lalong nagpapatingkad ng kulay ng complexion ko sa leeg dahil maputi daw ako.
At ang tinutukoy kaninang si Silver ay ang matagal ko nang crush ay hindi mahal pala simula pa nong makita ko siya ng pumasok ako dito sa LUB University.
Sinulyapan kong muli ang pawisan ngunit napakagwapong mukha ni Silver habang malawak ang kanyang ngiti ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti dahil madalas ay snob siyang tao at bibihira lamang ngumiti sa iba.
Umalis na ako sa arena at umuwi na dahil bukas ay may klase na kami. I am a second years college na bukas actually parehas kaming 2nd year college na bukas kaso ang course niya ay medicine kasi lahat ng pamilya niya ay medicine ang trabaho lahat sila ay pamilya ng doktor.
"Ma! I'm home!" sigaw mula sa baba at narinig ko rin ang sigaw ni mama mula sa kusina "andito ako sweety sa kusina!" sigaw niya kaya dali dali akong pumunta sa kusina at doon ko siya nakitang nagluluto ng sinigang. I like sinigang lalo na ang sabaw dahil maasim asim at masarap.
Nagbeso ako kay mama at sinabing pupunta muna ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay.
Well itutuloy ko na ngayon ang pagpapakilala ko sa inyo. Actually kami na lamang dalawa ni mama ang magkasama dahil maagang nawala si papa when I was just 13 years old. Masaaabi kong nasa average level ang pamumuhay namin. Si mama ay isang manager sa isang sikat na kompanya. I have no siblings kaya nakakaramdam rin ako ng lungkot dahil wala akong makausap dahil bibihira rin akong dalawin ng mga kaibigan ko dahil may kanya kanya silang plans for vacation.
Nang makapagbihis na ako ay umupo ako sa kama ko at kinuha ko ang laptop ko nang maiopen ko na ito ay kaagad akong nagbrowse sa google ng f*******: nang mabuksan ko na ang f*******: ko ay bumungad na naman saakin ang napakaraming friend request at lahat ay kalalakihan at marami akong namukhaan at nakitang mga taga school namin dahil sa nakauniform sila sa profile pictures nila. Pumunta muna ako sa search button para hanapin ang sss account ni Silver at madali ko namang nahanap ang official account niya marami na kasing account ang kagaya ng sakanya.
Inistalk ko na naman ang mga pictures niya at marami nang nag upload na nakatag sa kanya ng pictures niya kanina ng manalo ang kupunan nila sa basketball.
Tiningnan ko ang mga photos niya at napapangiti at napapaimpit ng tili dahil kahit mga stolen ang mga pictures niya ang makikita mo talaga ang kagwapuhan ay umaapaw na s*x appeal niya.
Hanggang ngayon ay di ko parin siya friend sa f*******: dahil nahihiya akong magpadala ng friend request sa kanya at alam ko rin na baka hindi niya mapansin iyon dahil sa dami ng nagpapadala ng friend request sa kanya.
Ganito lagi ang gawian ko tuwing umuuwi ako galing sa school at tuwing vacation napapagkasya ko na lamang ang sarili ko sa pag stalk ng f*******: account niya at pagtingin tingin ng mga pictures niya okay na saakin ang ganito dahil gustong gusto ko talaga siya inoff ko na ang laptop ko at humiga ng maayos habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.
"2 years na rin pala" mahinang saad ko sa sarili ko habang iniisip ang paghanga ko sa isang Silver ang Snob Prince ng LUB U.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa pag iisip ko. Iniisip ko kong bakit si Silver pa ang nagustuhan ko hindi naman kasi sa nagmamayabang dahil mula nong 1st year college ko hanggang ngayon ay marami parin ang nagpaparamdam at nagbibigay saakin ng mga love letters and take note lahat sila may mga itsura pero hindi man lang ako nagkagusto sa isa sa kanila. Alam kong hanggang paghanga lamang ang mangyayare sa nararamdaman ko para kay Silver pero hindi ko alam sa sarili ko kong bakit hindi parin ako magkagusto sa iba it's like my feelings are being stocked liking him and I dont know how to get away with it.
"Gem nak! The dinner is served baba kana dyan!" sigaw na pagtawag ni mama saakin mula sa baba actually ang room namin ni mama ay nasa 2nd floor. We have a 3 storey house it's not big similar to others but masasabi kong malaki na ito para saaming dalawa ni mama.
Magmula kasi ng mamatay si papa ay nagdoble kayod si mama sa work niya kahit na kami lamang dalawa ang bubuhayin niya gusto niya raw kasing mabigyan at maibigay saakin ang magandang buhay at makuha ko ang gusto ko.
Peeo sabi ko sa kanya ay wag masyadong isubsob sa trabaho ang sarili dahil mas mahalaga ang health niya at mas mahalagang magkasama kami and that's why I love her so much and I cant imagine my life without her by my side.
Bumaba na ako at nakita ko siyang naghahanda kasama si yaya lena na matagal nang nagtatrabaho kina mama parang pamilya na din namin si yaya lena at masyado din kaming malapit sa isat isa.
"Nak upo kana dito mama mo ang nagluto ng paborito mo" saad ni yaya lena habang hawak hawak ang pitsel at saka inilapag sa mesa minsan kasi late nang umuuwi si mama kaya minsan na lamang kami magbonding at ipinagluluto niya ako lagi naupo na ako sa silya.
"Nay lena upo kana rin po join us" saad ni mama ng nakangiti kaya hindi na nakatanggi si yaya lena at umupo na rin actually si Nay Lena rin is my yaya since im a child kaya talagang malapit ang loob ko sa kanya and I treat her as my grandmother.
Masaya kaming kumain at panay ang tanong ni mama tungkol saakin at sa pag aaral ko and I gladly tell her everything.