Gemini Leondale
"Beks!" sigaw nang bestfriend ko na babaeng bakla na si Lia.
"Bat kaba nakasigaw dyan?" tanong ko sa kanya dahil nakakahiya ang lakas ng boses nito habang tinatawag ako sa may bandang hallway dahil pinagtitinginan na kami.
"Wala naman trip ko lang" o kita mo lakas ng trip ng babaeng ito.
Dahil nahihiya na akong manatili pa sa may hallway ay hinatak ko na siya papuntang classroom namin.
Pagpasok namin ay kaagad na bumungad sa harap namin si Spade.
"Good morning mylabs kamusta ang vacation mo?" tanong nito saakin.
"Okay lang naman kaso nang makita kita ngayon biglang nasira ang araw ko" ganyan ako makipag usap sa kanya.
Well he is Spade Ramirez alam ng lahat ang pagkagusto niya saakin at wala namang problema dito sa school namin kahit magkaroon ng relasyon ang dalawang lalaki dahil open sila sa ganong relasyon kaya naman tanggap nila ang pagkagusto ni Spade saakin at suportang suporta sila lalo na ang mga kaklase namin. Spade is an athlete at kasali siya sa Soccer Team kaya naman talagang isa siya sa sikat dito sa school isa siya sa pinapantasya ng mga kababaihan at sangkabaklaan dito.
He's undeniably handsome, tall, fair skin complexion, red lips, sculptured body and good shape of face in short he's gorgeous pero hindi ko alam kong bakit saakin pa ito nagkagusto sa dinami rami ng babae dito sa school ay sa baklang katulad ko pa ito nagkagusto at hindi ko rin alam kong bakit hindi ko man lang ito nagustuhan, crush ko siya pero hanggang dun lamang.
"Oh beks ang swerte ng umaga mo dahil binati ka nang napakagwapong si fafa Spade kyyyyaaahhh" saad ni Lia at kinindatan pa ito ni Spade habang nakangisi.
Kanya kanya namang kantyawan ang mga kaklase namin at ang mga lalaki ay chinicheer pa si Spade.
Napailing na lamang ako dahil sa kanila.
Nang lumakad na ako papunta sa upuan ko ay agad itong umakbay saakin na mas lalong ikinaingay ng mga kaklase namin.
"Ayun oh dumadamoves si Captain" saad ni Dion na kateammate ni Spade sa soccer team.
Nagthumbs up lamang sa mga ito si Spade kaibigan ko rin naman si Spade bukod sa nanliligaw rin ito saakin hindi naman ako pumayag na manligaw siya pero pinush parin niya kaya sino ba naman ako para pigilan siya.
Nang makaupo na ako sa upuan ko ay umalis na rin ito para maupo sa upuan niya kasi darating na ang techer namin.
*Kkkkkkrrrrrriiiiiiiinnnnnnggggg*
Tunog ng bell which is time na para sa sunod na subject namin at excited ako dahil kaklase ko sa subject na yun si Silver.
Agad akong pumunta sa computer laboratory dahil keyboarding and document processing ang subject namin pagkapasok ko ay kaagad kong hinanap ang pwesto niya at hindi naman ako nabigo dahil andun lamang ito sa pinakadulo habang nakaheadphone pa ito.
Pumunta na rin ako sa upuan ko which medyo malapit lamang sa kinauupuan niya pagkaupo ko ay narinig kong nagbubulungan ang tatlo naming kaklase which is ang topic nila ay si Silver.
"Girl ang hot talaga ni fafa Silver at balita ko daw 8 packs ang abs niya" jusmiyong mga babae ito ang lagkit ng tingin kay Silver at grabe kong pagpantasyahan yung tao daig pa mga bakla susmaryusep.
"Talaga ba girl, grabe naman pala talaga ang hotness ni fafa Silver makalaglag panty talaga" susmaryosep trinidad abat talagang ganon ang salitaan nila ha bulgar masyado.
"Siguro malaki rin ang kanya magaling rin siguro sya sa kama kyyyyaaahhh" harujusko muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa narinig kong sinabi ng babaeng iyon grabe ang hahalay nila ki mga babaeng tao naku naku.
Napatingin sila saakin na nakakunot ang noo kaya nginitian ko na lamang sila pero inirapan lamang nila ako saka tumitig ulit kay Silver.
Kaagad na napawi ang ngiti ko dahil sa pag irap nila kala mo naman kinaganda na nila iyon pinili ko na lamang sulyapan si Silver at this time ay nagdudotdot na ito sa cellphone niya grabe naman kasi ang kagwapuhan niya at hindi rin maikakailang ang hot nya wala rin ako nababalitaang nagkagirlfriend at may girlfriend ito sa ngayon dahil mas gusto niya ang mag isa lagi at masungit at snob rin ito.
Sa tuwing may nagtatapat at nag aabot ng regalo sa kanya ay sinusungitan o di naman kaya'y kaagad niya itong nilalagpasan at iniiwan kahit nagsasalita pa ito ganyan siya masyadong aloof sa mga tao pero hindi ko rin alam kong bakit gustong gusto ko parin siya at marami parin ang nagkakagusto sa kanya.
Napaalis lamang ang tingin ko sa kanya ng dumating na ang instructor namin at pinagawa kami ng activity.
Nang bandang alas 3:00 pm na ay vacant ko na kaya pumunta na lamang ako sa may library para magbasa ng libro may klase pa kasi ngayon si Lia which is Entrepreneurship hindi na ako nagtetake non kasi natake ko na siya ng nakaraang sem.
Nang makapasok ako sa loob ng library ay kaagad na nagtinginan ang mga tao saakin specifically mga lalaki kaagad naman akong nahiya at yumuko na lamang at dumiretso sa bookshelves at naghanap ng libro.
Habang naghahanap ako ng libro ay may naramdaman akong dumating na tao at nasa likuran ko siya nang humarap ako sa kanya ay saka namang pag abot niya sa isang libro na nasa may uluhan ko kaya bahagyang nagkadikit ang katawan namin at naramdaman kong lumalakas ang pintig ng puso ko at nasamyo ko rin ang mabango at preskong amoy niya.
Nang tingalain ko ito ay halos manlambot ang mga tuhod ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko s-si S-silver pero halos mangatog ang tuhod ko ng tingnan niya ako at sabay ngisi nito at saka umalis na pagkakuha niya ng libro.
Natulala ako dahil sa nangyare kanina namalayan ko na lamang na wala na siya sa harapan ko.
Nang makuha ko na ang librong hinahanap ko ay parang lantang gulay akong pumunta sa isang lamesa at doon naupo.
Napahawak ako sa bandang kaliwang dibdib ko dahil ramdam ko parin ang malakas na pagpintig ng puso ko grabe ang epektong dala niya sa buong pagkatao at katawan ko. Tila ba naubusan ako ng hininga at lakas dahil sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko.
Halos mahimatay ako kanina sa simpleng pagdikit lamang ng katawan naming dalawa.
I think Im falling deeper to him secretly and I think I'm doomed and in trouble dahil alam kong wala itong patutunguhan . Kong iyon ngang mga babae ginaganon niya ano pa kaya ako na isang hamak ns bakla lamang.