Gemini Leondale
"Dali na kasi mylabs date tayo mamaya" pangungulit saakin ni Spade.
Kasalukuyan naming breaktime ngayon at nandito kami sa may cafeteria kumakain hiyang hiya na ako dahil sa pinagtitinginan na kami dito ng mga estudyante dahil sa pangungulit ni Spade saakin.
"Tumigil kana nga Spade nakakahiya na ang pinaggagagawa mo tingnan mo at pinagtitinginan na kaya tayo" pabulong kong saad dito kaya naman napatingin ito sa mga tao sa cafeteria saka tumingin ulit ito saakin.
"No I won't stop, unless papayag kang i-date kita" pasigaw na saad nito jusko talaga namang lalaki ito eskandaloso hindi ko nga alam kong paano ito naging hearthrob dito sa school eh.
Dahil nakukulitan na ako sa kanya ay sumagot na ako at aktong sasagot ako ng may biglang dumaan sa harapan namin at paraan palang ng paglalakad nito at kong paano nagsitahimik ang mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria habang nakasunod lamang ang tingin nila kay Silver na naglalakad ng may hawak na tray ng pagkain ng nakaearphone at straight ang tingin at kitang kita ko ang coldness sa mata nito nakalampas na ito saamin at nakasunod parin ang tingin ko dito nahimasmasan lamang ako sa pagsunod ng tingin ng nakaupo nang si Silver sa isang mesang nasa sulok ng kalabitin ako ni Spade at nakita kong nakanguso na ito na dahilan kaya napahalakhak ako ng mahina.
Mas lalo lamang siyang napanguso at napasimangot dahil sa pagtawa ko by the way buti na lamang at wala dito si Lia kong hindi ay wala na namang tigil iyon sa panunukso saakin kay Spade knowing her masyadong malisyosa at daldalera ang babaeng yun.
"Oo na nga pumapayag na ako kulit mo eh" saad ko na ikinangiti nito at ikinasuntok pa sa hangin saglit pa akong napatingin kay Silver at nakita kong patuloy lamang ito sa pagkain kaya tumayo na kami para pumunta sa susunod naming klase.
Nasa kalagitnaan kami ng klase sa Fundamentals of accounting ng malaramdam ako ng pamimigat ng pantog ko pinilit kong tiisin dahil ayaw kong maantal ang discussion ni Maam Alcantara pero halos mamilipit na ako dahil sa ihing ihi na ako at nang di na ako makatiis ay kaagad akong nagpaalam kay maam na gagamit muna ako ng CR at luckily ay pinayagan niya ako.
Dali dali akong tumakbo papunta sa CR na nasa may likuan lamang mula sa classroom namin. Walang katok katok akong pumasok at diretso sa may cubicle at doon inilabas ang kinabibigat ng pantog ko.
Nang matapos na akog umihi ay lumabas na ako ng cubicle at dumiretso sa sink at habang naglalakad ako ay nakayuko ako kaya hindi ko naiwasan ang pagkakabangga ko sa isang matigas na bagay na sanhi para matumba ako napapikit na lamang ako pero wala akong naramdaman na naglanding ang pwetan ko sa sahig pero naramdaman ko ang mga bisig na nakapulupot sa bewang ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sakin ang malalamig na tingin ni Silver at kaagad akong napaatras mula sa pagkakahawak niya dahil sa hiya.
He didn't utter any single word at kaagad na umalis gusto ko sanang magpasalamat sa kanya pero hindi ako makapagsalita dahil sa labis na pagkabog ng dibdib ko at tila nawalan ako ng lakas ng loob na magsalita.
Lutang ako na naglakad papunta sa klase namin hanggang sa matapos na ang klase namin sa Accounting.
"Mylabs ano tara na?" kaagad na pagyaya saakin ni Spade at dahil sa lutang ako kanina ay muntik ko nang makalimutan ang usapan namin ni Spade.
"T-tara" saad ko naman kaya pumunta na kami sa parking lot at pinasakay niya ako sa kotse niya lahat ng mga estudyanteng napapadaan sa parking lot ay nakatingin saamin kaya napayuko na lamang ako at sumakay na sa loob.
Nang makasakay na si Spade ay kaagad niyang inistart ang makina at bumyahe na kami.
"Ahmmm saan ba tayo pupunta Spade?" tanong ko sa kanya.
Saglit na napatingin ito saakin at ngumiti "You'll gonna find out later and I'm sure you gonna love it there" masayang saad niya at halata mo sa kanya na excited siya at masayang masaya. He's a good man pero hindi ko malaman kong bakit hindi na lamang siya ang nagustuhan ko. He is a good guy, handsome, a gentleman and every girls dreamboy as a boyfriend.
"O baka naman matunaw na ako nyan, ano sasagutin mo na ba ako? Gwapong gwapo kana siguro saakin ano. Dont worry honey this handsome man is all yours" saad nito dahil sa pagkatulala ko sa kanya dahil sa malalim a pag iisip at kaagad ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya.
"Ang hangin mo dong" saad kong pang aasar sakanya at ibinaling na lamang ag tingin ko sa labas.
Napatawa na lamang ito at sa paglipas ng ilan pang minuto ay nakarating na kami sa isang park bago ako bumaba sa kotse ay nagtext muna ako kay mama na baka malate ako ng uwi.
Nang makababa kami sa kotse niya ay mas lalo akong namangha dahil sa ganda ng lugar marami rin ang mga magkakasintahan na nandito at pawang nagdedate.
Dahil sa pagkamangha ko sa lugar ay di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Spade at nakitako ang dala dala niyang blanket at basket "Tara na doon tayo sa paborito kong pwesto" saad niya kaya kaagad kaming naglakad nagoffer pa nga akong ako na ang magdadala ng blanket pero ayaw niya pumwesto kami sa medyo hindi mataong lugar pero kitang kita dito ang sunset maggagabi na pala kasi inilatag niya ang blanket at ang basket saglit siyang nagpaalam dahil may kukunin pa daw siya sa kotse niya kaya tumango na lamang ako.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar at mas labis akong namangha nang magsiilawan ang ibatibang ga lights dito sa park pero kaagad na napawi ang ngiti ko nang mamataan ko ang taong hindi ko inaasahang makita at kumirot ang puso ko dahil sa nasaksihan kong yakap yakap niya ang isang babae. Akala ko ba ay wala siyang girlfriend gulong gulo ako dahil sa nakita ko bakit ba parang pinipiga ang puso ko alam ko namang malabong mapansin niya ako pero bakit nasasaktan ako ng ganito alam ko namang balang araw ay magkakagirlfriend din siya pero bakit ako nasasaktan ng ganito Im confused right now.
Dahil sa labis na pag iisip ay naramdaman ko na pamang ang luhang pumatak mula sa mga ata ko agad agad ko itong pinunasan ng mamataan kong paparating na si Spade. Nang tingnan ko ulit sina Silver ay wala na sila roon sa pwesto nila kanina.