Para akong tangang nakangiti sa bangka habang naamoy ko ang sampaguita na binili ni Aizen. Ewan ko ba dito sa kaniya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa ginawa niya. Medyo natuwa naman ako na binigyan niya ako ng bulaklak dahil iyon ang unang beses na may nagbigay sa akin ng bulaklak kaso sampaguita pa talaga? Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay pero kahit papaano ay na-appreciate ko naman ang ginawa niya. Madilim na dahil natagalan kami kanina. Napakadami kasing pinamili nitong si Aizen. Ewan ko ba, parang pang isang buwan na yata tong mga pinamili namin. Wala naman siyang dapat ipag alala dahil yung mga kinuha ko kanina, sakto lang pero napakadami niyang kinuha. Magtatayo yata siya ng grocery store sa Isla. Natauhan ako sa kakangiti nang biglang umalog ang

