Nagising akong namimilipit sa sakit. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay mamatay na ako sa sakit ng puson ko. Gusto ko na lang matulog pero tuwing gagalaw ako, kumikirot ang puson ko. Kahit anong pwesto ang gawin ko, mas lalo pang sumasakit. Umaga na yata pero hindi ko pa rin nakikita si Aizen. Sinabi ko naman sa kaniya na ‘wag na siya tumuloy dahil gabi na pero mapilit pa rin siya. Wala na akong nagawa. Kahit naman na pigilan ko siya, hindi pa rin naman makikinig sa akin ‘yun. Kahit na masakit ang puson ko, hindi pa rin ako mapakali. Tumayo ako at saka naglakad palabas ng mansyon para abangan si Aizen dahil mukhang may bagyo tapos tumuloy pa siya. Kumuha ako ng payong sa may umbrella rack at saka ginamit iyon papunta sa dalampasigan para abangan si Aizen. Umaambon pa lang naman, pero alam

