Paalis na ako nang bigla akong tinawag sa harap. “Franco? Why don't you join us? Sino ba ‘yang kasama mo?” rinig kong sabi ni Aizen habang hawak niya ang mic. Nagkatitigan kaming dalawa ni Franco habang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ano na lang kung pati si Aizen ay malaman niyang dito na ako nag ttrabaho? Nginitian ako ni Franco at saka kinuha ang kamay ko at hinawakan niya ‘to. Napalunok ako at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero mukhang hindi ‘to maganda. “Balato mo na sa akin ‘to, kahit ngayon lang.” Seryosong sabi niya na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Para bang required akong sumama sa kaniya dahil sa mga tinulong niya sa akin. Noong walang wala a

