Tumulo na naman ang luha ko, hindi ko alam pero mas lalo lang akong naiyak nang itanong iyon sa akin ni Franco. Umiling ako at isunobsob ang mukha ko sa palad ko. I didn’t want to talk about it. And I don’t want anyone to know about it. “It’s okay, I won’t force you to tell me. But you can’t stop me from helping you, Trishia.” Aniya at saka naramdaman kong pinaandar niya ang makina ng sasakyan. Agad kong tinanggal ang salamin kong nabasa na ng ulan at lumabo na. Pinunasan ko ang luha ko at sumandal ako sa gilid ng bintana pero patuloy pa rin ‘to sa pag tulo. Hindi ko talaga gusto na may nakaka alam ng problema ko. Ayokong kaawaan ako at ayokong maliitin ang ng mga tao sa paligid. Hindi kami nagsalita sa buong byahe at hindi rin naman na ako pinilit. Hindi ko alam kung saan kami pupun

