Maaga akong pumasok sa school at pagkagising ko kanina, walang tao sa loob ng townhouse kundi ako lang. Isang mabango at nakakagutom na amoy ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagising. Pagkalabas ko kanina sa kwarto ay nagulat ako na may nakahanda na pagkain sa mesa pero hindi ko makita si Franco. Nagulat na lang ako na may nakalagay na lang na note sa tabi ng kape at nagpalaam naman niya na aalis na dahil may mga kailangan daw siyang asikasuhin. Nang hinawakan ko ang kape, mainit pa ito at kung hindi ako nagkakamali kaka-alis lang siguro ni Franco. Wala naman akong number niya at hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya. Ako na nga ‘yung nakikitira, ako pa ‘yung pinaghanda niya ng pagkain. Maaga naman ako nagising pero mas maaga pa rin pala siyang nagising. “Uy! Okay ka la

