Hindi ako nagpahatid sa kahit na kanino sa kanilang dalawa dahil ayoko naman makita at malaman ni Aizen na magkasama kami ni Franco. Paniguradong hindi lang ‘yon basta magagalit kundi pagmumulan na naman ‘yon ng galit niya at dahilan para mag away silang dalawa. “Okay ka na ba?” tanong ko kay Franco nang matapos kong gamutin ang sugat niya. Nandito kaming dalawa sa loob ng townhouse. Hindi kami ganoon ka nag uusap dahil wala naman kaming pag uusapan pero nilapitan ko pa rin siya para lagyan ng gamot ang mukha niya pati na rin ang iba pa niyang sugat sa katawan. “Oo, okay lang ako. Medyo masakit lang pero kaya ko naman.” Mahinang sabi niya kaya agad akong tumango at akmang aalis na ako, nang bigla niya akong tinawag. “Ikaw, okay ka lang ba? Alam kong madami kang tanong and I was wa

