Tensyonadong-tendsyonado si Anina habang nagsusuot ng scarf na ipangtatakip sa leeg niya kinabukasan. Nasa resort na siya ngayon at sa kabutihang palad ay hindi napansin ng nanay niya ang scarf sa leeg niya dahil tiyak, makukurot siya nito sa singit. Makailang beses na siyang napasabunot sa sarili niya dahil masyado siyang naging marupok kahapon. Nagpadala siya sa tukso na dala ni Isagani. Tuloy ay totoong namarkahan siya nito sa leeg! As in sa leeg! At kung hindi siya magsusuot ng scarf ay siguradong mahahalata iyon ng lahat. Grr. Ang init pa naman ngayon at nagmumukha siyang tanga. "O, Anina, are you sick? Why are you covered up with scarf?" nagtatakang tanong ni Mikaela. Sa kasamaang palad ay ito pa ang unang bumungad sa umaga niya. She feels awkward now. Sa dinami-dami ng tao, siya ta

