Masyadong maraming bagay ang nangyari sa araw na 'to. Pagod na pagod si Anina na sinalpak ang kanyang sarili sa kama niya. Nakatanaw lang siya sa kisame ng bahay nila. Tulala at tila gulong-gulo. Hindi niya pa rin maproseso sa utak niya ang lahat nang nalaman niya. If Mikaela is Isagani's ex who made him be what he is right now, malamang, sobra itong nasaktan ni Mikaeala noon. Iyon lang naman 'yon. Pero bakit sa bilyon-bilyong babae sa mundo, Si Mikaela pa? Hindi niya maintindihan kung ano ang posibleng naging hiwalayan nilang dalawa dahil kung titingnan naman ay napakabait ni Mikaela. Grrr. Ewan! Mababaliw na yata siya! "Anak? Hindi ka ba babangon para mag-almusal at pumasok sa trabaho?" tawag ng nanay niya mula sa kusina. Napabuntong-hininga siya. "Ayaw kong pumasok, nay." Nagpantig

