Naabuta ni Isagani si Mikaela na nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng opisina. Biglang nagsalubong ang kilay niya. Is she crazy? Why is she sitting on my chair? Inis na wika niya sa isipan. Nang makita siya ni Wade ay mabilis na napatayo ang binata. "Sir, kanina ko pa siya sinasabihan pero ayaw niyang makinig. Para siyang may sariling mundo." Bakas sa boses ni Wade na kanina pa siya nagkukunsumisyon kay Mikaela pero talagang matigas ang ulo nito. Ni hindi nga ito natinag nang sabihin niyang ipapakaladkad niya ito sa mga body guards ni Isagani sa ibaba. "Mikaela," kalmado pero tila maotoridad na wika ni Isagani sa makulit na dalaga na nakaupo ngayon sa kanyang mesa. "Hmmm?" nakangiting sagot ni Mikaela. She is smiling so sweetly na para bang wala siyang ginagawang kasalanan. "Get

