Hindi sanay si Anina sa biglaang pag-iiba ng kilos ni Isagani sa kanya. Parang ibang tao tuloy ang kasa-kasama niya at hindi ang binata. Hindi naman niya inaasahan na may pasundo sundo effect pa ito sa kanila. He is really acting like a boyfriend now. Kahit nga na kaya naman niyang lakarin mula sa bahay nila papuntang resort ay sinundo pa talaga siya mi Isagani. Tahimik lang siya habang nakasilip sa bintana ng kotse ng binata. Pinagmamasdan ang bawat madaanan nila. "Let me clear everything to you. I will only act like your boyfriend in front of my ex, at kapag nasa labas tayo dahil makikita iyon ng ibang tao. Pero kapag tayo lang dalawa at lalo na sa trabaho, I am still your boss. Naiintindihan mo ba?" Napabusangot si Anina. Bakit pa kasi ako pumayag payag? Mukhang ako lang ang masasak

