Napahalukipkip si Anina nang mahimasmasan siya. Kinalikot niya pa ang tenga niya at baka bumara lang kaya siya nabingi pero hindi. Totoo ang narinig niya. Sinabi talaga iyon ni Isagani. Siya lang itong tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ng binata. "P-P-Po??" "Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?" Ayan na naman ang binata at nagsusungit na naman. "Sir, bakit niyo ba sinasabi 'yan? Dahil ba nalaman niyo na ako ang laging nagpapadala ng pagkain sa inyo? Huwag niyo na lang po sana iyong pansinin. Hindi ko naman hinahangad na maging girlfriend niyo ako." "So, you are now admitting it, eh?" She pouted. "O-Oo." "Kailan pa? Kailan mo pa naramdaman 'yan?" Napabuga ng hangin si Anina. "Kailangan niyo pa bang malaman 'yon, Sir? Ke malaman niyo naman kung kailan, wala rin namang mangyayar

