Hindi na nakaimik si Anina nang tanungin pa ni Isagani kung pamilyar sa kanya ang suot na bracelet nito. Wala na. Umurong na ang dila niya. Pamilyar? Syempre. Siya ang may gawa no'n at sa ngayon ay ayaw niyang malaman ni Isagani na siya nga ang nagbigay nito dahil baka mailang na itong makipagtrabaho sa kanya kapag nagkataon. She doesn't want that to happen dahil may utang pa siyang dapat na bayaran. "Natahimik ka? I'm asking you, Ms. Montes. Pamilyar ba sa 'yo ang bracelet na suot ko?" Pang-uuyam ni Isagani. O, lupa kainin mo na lang ako! Mariing wika niya sa isipan. Nanlalamig na ang mga kamay niya. Nakakainis ka naman, Isagani, e! Natataranta ang puso ko sa 'yo. "H-Ha? H-Hindi ano! Hindi, Sir." Napailing iling na lang si Isagani sa pagsisinungaling nito sa mismong harapan niya. Bist

