Kapwa pa kunot noo na nagkatitigan sina Isagani at Micheal nang makita ang isa't isa. Sa hindi sadyang pagkakataon ay nagkita pa sila dito mismo sa tapat ng bahay ng mga Montes. At parehas pang sinusundo si Anina. "Anong ginagawa mo dito, Isagani?" nagtataka na tanong ni Micheal na kalalabas lang ng kotse nito. "Baka ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Why are you here?" "Anina and I will be out tonight," Micheal calmly answered. Dahilan para sarkastikong matawa si Isagani. Looks like he got the ace tonight. Hmmm. "Really? Was it true, Ms. Montes?" sarkaatikong tanong nito kay Anina. Bahagya niya itong pinaningkitan ng mga mata. Nanlamig bigla si Anina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung paanong magpapaliwanag kay Micheal. Paano na ba 'to? "A-Ano ka-ka

