Chapter 16
Pagod na humilata sa sariling kama si Yvonne. Gabi na nang makauwi sila ni Rowan dahil masyado silang nag-enjoy kakagala sa labas habang kasama ang stepsister nito.
“What do you think?” tanong ng binata sa kanya. Nakatayo ito sa b****a ng kanyang pintuan.
Napangiti siya. “She's fine. I’m mean, maganda siya,” seryoso niyang sagot. Totoo naman na maganda si Yohan. Hindi lang talaga siya makapaniwala na stepsister ito ng binata.
“Do you like her?” tanong nito sa kanya.
“Of course! Sino naman ang hindi magkakagusto sa kapatid mo? She's awesome and kalog,” sensiro niyang sagot. “I like her as a sister,” dagdag niyang sabi.
Tumango ang binata. “Good,” he said.
Dahil parehong pagod ay pinili nilang matulog na at simula na naman ng pag-aaral kinabukasan. Ilang buwan ang lumipas, patuloy na nanligaw kay Yvonne si Rowan hanggang sa kalaunan ay sinagot na niya ito. Hindi naman na niya kailangan pang patagalin ang panliligaw lalo na at hindi naman nila maitatanggi na mahal nila ang isa't isa.
Ibang estudyante na ang kasama niya sa dormitory room nila dahil umalis na si Rowan at kasalukuyan itong naghahanap ng trabaho habang siya naman ay patuloy pa rin sa pag-aaral.
“Hey!” tawag niya kay Karina isang hapon nang makita niya ito sa coffee shop.
Mabilis itong lumapit sa kanya. “Grabe! Parang you looked old na,” nagtataka nitong komento.
Kaagad niyang hinawakan ang kanyang mukha. “Gagi, seryoso ka ba?” nag-aalala niyang tanong.
“Hays, sa sobrang busy natin pareho, halos hindi na tayo nagkikita. Madalas pa nga ay nagkakasalisi lang tayo,” parang pagod nitong reklamo sa kanya.
Bumuntonghininga siya. “Malapit naman na tayong matapos. Kaunting kembot na lang, Karina. Magiging Doctor din tayo,” aniya.
Ngumiti ito. “I can’t wait for it to happen. Soon.” Nagkuwentuhan lang sila to catch up at pagkatapos ay naghiwalay rin dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan.
Gabi na siya nakakauwi at madaling-araw naman ay maaga siyang papasok sa eskuwelahan. Sobrang hectic ng schedule niya na halos hindi na niya makita ang binata.
“Hey,” aniya nang tumawag ito sa kanya.
“Hi. How are you?”
“I’m tired,” she said. “Ang dami kong kailangan i-research,” dagdag niya pang sagot.
“Hmm. I miss you.”
Napanguso siya. “Miss na rin kita. Nakakapagod. Kamusta naman ang paghahanap mo ng trabaho?”
“It’s fine. Wala pa ring tumatawag, eh,” malungkot nitong sagot.
“It’s fine. May tatawag din sa ’yo,” she said, trying to console him. “May free ka ba ngayon? I wanted to meet you,” paglalambing niya.
“Hmm. If you want.”
“Pupuntahan na lang kita,” aniya.
“What?” gulat nitong tanong.
“Why? Bawal ka naman dito, eh. Ako na lang pupunta riyan. Besides, gabi na.”
“No. Susunduin kita. Hintayin mo na lang ako,” anito.
Umiling siya. “It's fine. I have a car na,” aniya.
“No. I don’t trust your driving skills,” pangungulit pa rin nitong sabi kaya wala siyang nagawa kundi ang um-oo.
Naghintay siya ng tawag nito bago siya lumabas ng dormitory. Alam niyang bawal ng lumabas but she wanted to be with her boyfriend. Minsan lang sila magkaroon ng oras para sa isa't isa kaya susulitin na niya ang pagkakataon dahil sa susunod na mga buwan ay paniguradong mawawalan ulit sila ng oras para makasama ang isa't isa.
Ilang minuto ang lumipas, wala pa ang binata. Nagtataka na siya dahil hindi naman nito ugaling mahuli o kaya ay magbago ang isip. Nag-aalala niyang hinanap ang kanyang cellphone. Walang text. She tried to ring his phone ngunit hindi ito sumasagot. Biglang tumahip ang kaba sa kanyang dibdib.
Naghintay ulit siya ng ilang minuto ngunit hindi pa rin ito dumating. Naghinala na siya na baka may mangyaring masama sa binata.
She wanted to call him pero hindi ito sumasagot. Nagri-ring lang ang cellphone nito.
Buntonghininga siyang pumasok sa kanyang kuwarto at tumungo sa bintana. She waited for another minute hanggang sa nainis na siya. She wanted to leave but she can’t. May kung anong pumipigil sa kanya. Hindi siya makatulog habang iniisip kung nasaan na ito. Ilang ring ulit ang narinig niya ngunit tuluyan nang n*matay ang cellphone nito.
“God! What is happening?” inis niyang tanong sa kanyang sarili. Dahil sa inis ay tulala lamang siya hanggang sa sumapit ang umaga.
Ngarag siyang pumasok sa ospital na kanyang pinapasukan. She’s having her residency kaya wala na siyang oras para puntahan ito.
“Did you have fun last night?” rinig niyang tanong ng isang nurse sa kasama nito.
“Yes. I’ve met a hot guy.”
Sabay na nagbungisngisan ang dalawa habang siya ay tahimik na nakikinig ngunit inatake na ng kaba. Hindi siya mapakali. She decided to call Rowan again, this time sumagot ang binata.
“H-Hey,” anito.
“Finally. Saan ka ba nanggaling? Akala ko ba pupunta ka? Bakit hindi ka sumipot?” galit niyang tanong. She was trying to calm herself pero hindi niya maiwasang magalit at magtampo sa nobyo. “I’ve been trying to reach you pero hindi ka sumasagot,” inis niyang wika.
“B-Babe, I’m sorry. Sinundo ko kasi sa isang club si Yohan. Someone was harassing her kaya hindi na ako nakapag-update sa ’yo,” usal nito.
Natigilan siya at hindi makapaniwala sa narinig. “What? Seryoso ka ba?” nag-aalala niyang tanong.
“Yes. Malayo kasi,” anito. Sinabi ng binata ang location ng club kaya mas naniwala siya dahil malayo nga naman ito.
“How was she?” tanong niya.
“Thankfully she's fine. Napuyat ako kababantay sa kanya. She was throwing things in her apartment. I think may problema siya at hindi lang niya sinasabi sa akin,” kuwento nito.
Bumuntonghininga siya. “Just send my regards to her,” aniya habang binabasa ang nasa chart sa kanyang harapan.
“I will. Did you forgive me?” he asked.
Tumango siya. “Yes.”
“I’m sorry. Babawi ako sa 'yo. I’m trying to get up. I need to find work.”
“Hmm. Sige. Ingat ka. Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. It's toxic,” pagbibigay-alam niya rito.
“I love you.”
“I love you too, Rowan. Be careful,” aniya. Ibinaba niya na ang tawag at tulala na tinitigan ang kisame. Something is not right.
Kahit nagkausap na sila ay hindi pa rin siya mapakali. Pakiramdam niya ay nagsisinungaling sa kanya ang nobyo.