Chapter 15
Yvonne slammed the door closed behind her. Mabilis siyang pumasok sa kanyang kuwarto at inis na inis na hinubad ang kanyang suot na damit. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na i-congratulate ang binata.
She slumped on her bed after locking her door. Padarag niyang kinuha ang kanyang cellphone at binuksan ito. News flash in her eyes.
Kristine, wearing a long white gown and Kevin beside her with a smile.
Her world became dim. Ikinasal na nga sila. Mapait siyang ngumiti. She was happy for them. But her, hindi niya alam kung bakit may kirot pa rin sa kanyang puso gayong nakalimutan na niya ang lahat. Marahil ay hindi tuluyang humihilom ang mga sugat na dulot ng kahapon.
Pinatay niya ang kanyang cellphone at pilit na ngumiti. No one was there to comfort her. Tamad na tamad niyang sinagot ang tawag sa kanya ni Karina.
“Bakit?” malamya niyang tanong dito.
“Don't open your social media accounts.”
“Nakita ko na, Karina. Huli ka na,” aniya.
“What? Ang bilis naman ng mga kamay mo?”
Napangiwi siya. “I’m in my room. Gusto ko lang magpahinga,” walang gana niyang sabi bago ibinaba ang tawag.
Napabuntonghininga siya. Seeing her mother with flashy smiles on her face made her feel bitter. Hindi niya naalala na ganoon kasaya ang kanyang ina sa piling ng kanyang ama.
“Come to think of it, hindi man lang siya dumadalo sa tuwing my activity ako sa school noon. Palaging si Daddy ang kasama ko.” Bumuntonghininga siya ulit. “Now I’m all alone.”
Napaiyak siya. She wanted to scream her frustrations. “Why are they happy without me? Bakit? What is wrong with me wanting to be love?” she asked herself.
Marahas niyang pinahiran ang kanyang mga luha. It’s been hours. Pero hindi man lang dumating si Rowan. She wanted to celebrate his success, with him of course, pero mukhang may ibang kasama ang binata. At kita namang hindi siya iyon.
Parang lantang-gulay siya na bumangon at lumabas ng kanyang kuwarto. Hindi man lang niya naramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya at parang wala siyang kabuhay-buhay na pumasok sa kusina.
Napabuntonghininga siya ulit. She realize, hindi pa rin pala siya marunong magluto. She wanted to eat steak, but don’t know what to do. Tiningnan niya ang oras at pasado alas-dose na ng gabi.
She overslept.
Paiyak niyang kinuha ang kawali at kumuha ng isang sliced ng steak at wala sa sarili itong hinugasan. Dahil wala namang grill ay isinalang na lang niya ito sa kawali at hinayaang maprito sa sariling mantika.
Pasunog na ito kaya binaliktad niya at mukhang tama nga siya. Muntik ng masunog ng niluluto niya. Masyado siyang umasa kay Rowan at ngayong graduate na ito ay siya na lang ang maiiwan sa dormitory room nila at baka may iba na naman siyang magiging roommate.
Dahil sa halo-halong emosyon ay parang bata siyang umiyak habang kaharap ang kanyang steak. Nakalimutan pa niya itong lagyan ng seasonings kaya nang kumagat siya rito ay tuluyan na siyang napaiyak.
“Wa-Walang lasa,” emosyonal niyang sabi bago ibinaba ang tinidor.
Lumapit sa kanya si Rowan dahilan upang mas lalo siyang mapahagulgol sa pag-iyak. Marahas niyang pinahiran ang kanyang luha. Walang sali-salitang naglabas ng takeout ang binata.
“Here. Eat this,” usal nito.
Nag-angat siya ng paningin bago ibinalik ang paningin sa dala nito. Umiling siya.
Kapal naman ng mukha mo para dalhan ako ng take out? Baka galing pa iyan sa babae mo. Tsk!
Tumayo si Yvonne at nag-iwas ng tingin sa binata. “I'm full.” Mabilis siyang naglakad pabalik sa kanyang kuwarto ngunit kaagad na nahawakan ng binata ang kanyang kamay.
“Stop.” May bahid ng pagkalito sa boses nito. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay. “Why are you acting like this?” naguguluhan nitong tanong sa kanya.
“Leave me alone.” Pumasok siya sa kanyang kuwarto and locked the door.
“Yvonne,” tawag pa sa kanya ng binata ngunit hindi na siya nakinig. She didn't even know why she's acting childish. She looked stupid in front of him.
Inis niyang pinagalitan ang sarili. “Mamatay ka sa gutom ngayon. Ang dami mong arte,” bulong niyang sa sarili.
Ayaw lang niyang kainin ang dala ng binata dahil baka bili iyon ng babaeng kasama nito.
Nakahiga lang siya sa kanyang kama at hindi siya nakatulog. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang kama at inilapit ang kanyang tainga sa pinto.
Walang ingay. Mukhang tulog na ang kanyang kasama. Dahan-dahan niyang iniikot ang seradura at binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas. Madilim na. Nakahinga siya nang maluwag.
Patingkayad siyang lumabas ng kuwarto ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang may gumalaw sa kanyang tabi. Mabilis siyang lumingon. Muntik na siyang sumigaw sa gulat nang makita si Rowan na nakatitig sa kanya.
“Are you hungry?” kaagad nitong tanong sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Dahil nabulilyaso ang kanyang plano ay naglakad na lang papasok sa kusina. Nakasunod sa kanya ang binata.
“Are you mad at me?” tanong ulit nito.
Hindi pa rin siya nagsalita. She fixed herself a bowl of cereal and a glass of milk. Tahimik siyang naupo sa upuan. Nakaupo naman ito sa kanyang harapan. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.
“Why are you ignoring me?” pangungulit nitong tanong. “Yvonne,” tawag nito sa kanyang pangalan.
Ibinaba niya ang hawak na kutsara. “Can you please leave me alone?” naiinis niyang tanong dito.
“No,” matigas nitong tanggi. “Hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang problema. Bakit ka umalis bigla? Hindi mo man lang ako ni-congrats,” nagtatampo nitong sabi.
“Congrats,” walang gana niyang sabi.
“Yvonne,” nauubusan na ng pasensya na usal nito.
“What? I already congratulated you. What else do you want?” inis niyang tanong sa binata.
“You.”
Nabilaukan siya dahil sa narinig. Tumikhim siya upang matanggal ang bikig sa kanyang lalamunan. Inis siyang nag-iwas ng tingin.
“Matulog ka na. Puyat ka lang,” pagtataboy niya rito.
Hindi ito natinag. “Are you jealous?”
Lalo lang siyang napapikit dahil sa inis. “Ano ba? I’m trying to eat,” inis niyang sabi.
“Are you jealous with her?” kaswal nitong tanong sa kanya.
“Rowan, please, leave me alone.”
“She’s my sister,” anito na ikinatigil niya. Parang bigla na lang naglaho ang kanyang inis dito. Mabilis niya itong binalingan.
“What?”
“So, tama ako. Nagselos ka nga. You didn't even wait for me,” nagtatampo nitong sabi.
Wow! Ikaw naman ngayon ang nagda-drama?
Bumuntonghininga siya. “You’re wrong. I’m not jealous.”
“I saw you looking at us,” balik nitong wika.
Naitikom niya ang kanyang bibig. Wala siyang kawala. “Pakialam mo,” pairap niyang sabi. Bulong lamang iyon ngunit alam niyang narinig iyon ng binata.
“I like you.”
Sa pangalawang pagkakataon ay nahigit niya ang kanyang hininga. Naiinis niyang binalingan ang binata. “Stop messing with me. You knew my story.”
“I am not messing with you, Yvonne. I like you. Kahit pa noong nasa Pinas pa lang tayo, gusto na kita. Actually, matagal na talaga, eh. Hindi ko lang maamin sa ’yo because . . . ” putol nito sa sasabihin. Pansin niyang hindi nito ang rason kung bakit hindi ito umamin sa kanya. Mataman lang niyang tinitigan ang binata.
“ . . . because you’re an elite.”
“Noon. I am no longer an elite, Rowan. Matagal na.”
“You are still an elite to me,” anito.
“Psh.” Ngumuso siya at tinapos ang kanyang cereal.
“Hindi mo lang ba sasabihin ang nararamdaman mo?” pabulong na tanong ng binata.
Inirapan niya ito. It’s just a facade. Ayaw niyang makita ng binata ang totoo niyang nararamdaman. On the outside, wala siyang pakialam sa sinasabi nito. On the contrary, para nang sas*bog ang kanyang puso sa sobrang tuwa at kilig na naramdaman.
“Fine,” naiinis niyang sabi. Hinarap niya ito ganoon na lang kabilis ang pag-iwas ng tingin niya rito dahil sa lagkit ng pagkakatitig nito sa kanya. “I-I like you too,” utal-utal niya pang wika.
“Say that to my face,” utos ng binata.
Nilingon niya ito. “Are you trying to torture me?” naiinis niyang tanong.
Umiling ito. “Look at me and say it to my face. Say it, please?”
Tuluyan ng natunaw ang kanyang puso dahil sa lambing ng boses nito.
“I like you, too. Matagal na rin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. I don't even know that I’ve been feeling this lately,” bulong niya. Nahihiya sa pag-amin ng kanyang nararamdaman.
Inabot nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. “I did not notice. Ang galing mo kasong magtago,” nakangiti nitong komento.
“Ganoon ba? Hindi ko alam,” aniya. Siguro ay dinadaan niya lang sa inis kaya akala ng binata ay nagagalit siya. Palihim siyang natawa. “You’re dense,” komento niya.
Kaagad na ininit nito ang biniling pagkain at sabay nila itong inubos. Pagkatapos ay nag-usap sila nang masinsinan at sabay ring natulog. Dahil sa puyat ay mataas na ang sikat ng araw nang siya ay magising.
“I wanted you to meet my sister,” anito habang nag-aalmusal siya.
Pumayag naman siya. Gusto niyang humingi ng tawad sa babae dahil pinag-isipan niya ito ng masama kahapon. Inaway niya ito sa kanyang isipan habang wala naman itong kaalam-alam sa mga nangyayari.
“Sige. Maliligo lang ako,” sagot niya saka pumasok na sa kanyang kuwarto at gumayak na.
Sa isang restaurant sila nagkita at late pa silang dalawa dahil nahirapan siyang pumili ng magandang damit. First impression is important for her kaya ayaw niyang madismaya ang kapatid ni Rowan sa kanya.
“I’m we’re late.” Kaagad na tumayo ang babaeng nilapitan nila. Ngumiti ito sa kanya.
“Duh! It’s fine. Kararating ko lang,” anito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na marunong itong magtagalog. Hindi ito kakikitaan ng pagka-pinay.
“Hi, I’m Yvonne,” pakilala niya sa sarili.
She reached out her hand. “I’m Yohan. Rowan’s sister.” Ngumiti ito sa kanya. “Ikaw pala talaga yung kausap ko kahapon. I knew it’s you.”
Napapahiya siyang ngumiti. “I’m sorry about yesterday. I didn’t meant to—”
“Hay, naku! Don’t worry about it. Sanay na ako. Naikuwento na rin sa akin ni Rowan.” Tumawa ang babae. “Nag-order na ako. I knew what you like kaya ako na rin ang nag-order for the both of you.”
Umiling siya. “I’m with it.” Nilingon niya ang binata na kanina pa nakatitig sa kanya. “What?” taas-kilay niyang tanong dito.
“You're beautiful,” komento nito.
Siniko niya ito dahil nahihiya siya sa kapatid nito. “Tumigil ka.”
Pinagtawanan lang siya ng dalawa. Nagkakuwentuhan sila ni Yohan habang si Rowan ay nakikinig lang sa kanilang dalawa. Paminsan-minsan ay sumasali ito sa kanilang usapan. She felt at home with them kaya hindi niya maiwasan na maging emosyonal.
She misses home.