Chapter 14

1887 Words
Chapter 14 Yvonne admitted to herself that she likes Rowan. Pero ayaw niyang mag-take risk. She just wanted to be with friends with him. “Girl, hindi ko pa yata nakikita ’yang roommate mo,” ani Karina isang hapon na magkasama silang nagkakape sa isang coffee shop. Humigop siya sa kape. “Hmm. Hindi pa ba? I thought nagkita na kayo?” tanong niya sa kaibigan. Umiling ito. “Alam mo, mas bet ko yung taong tumulong sa ’yo. He’s cute. Mas bagay kayo,” komento ni Karina. “Girl, hindi mo pa nga nakikita. Paano mo nasasabi?” Nagkibit-balikat ito. “Wala lang.” Bumuntonghininga siya at biglang tumahimik. Hindi niya masabi-sabi sa kaibigan ang kanyang saloobin. “What's the matter, Yvonne? May problema ka ba? Tell me,” utos ni Karina sa kanya. Umiling siya. “Wala lang. May iniisip lang ako,” aniya. “What about it?” “Kamusta na kaya sila?” pabulong niyang tanong. “Gusto ko lang malaman kung hinahanap pa kaya nila ako. I just wanted to feel loved again.” “Tsk. I’m sure they already forgot about you. I didn't know na ganoon pala ang mama mo. Like, she's a kabit, Yvonne. And besides, mukhang nagpakasal lang ang parents mo dahil sa iyo. And naghiwalay rin sila because of you.” Bigla siyang nalungkot. “Then, saan ako nagkamali?” “Hay, naku! Let's not talk about them at ayaw kong ma-stress ka.” “I don’t want to run away, Karina.” “You're not running away. You're facing the struggle in your own way.” “Hays, ewan ko ba.” Hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay. “Yvonne, just be strong. I know the wound is still fresh. But—” “Ayan ka na naman sa mga matalinghaga mong salita,” natatawa niyang sabi. Natampal ng dalaga ang kanyang kamay. “Panjra ka naman ng moment. Kainis 'to,” nakangiwi nitong reklamo. “Hindi mo man lang ako pinatapos magsalita. Hay, naku!” Tumawa siya. “Sorry naman. Natatawa kasi ako sa mukha mo.” Kaagad na hinawakan ni Karina ang kanyang mukha. “Bakit? Ano ang nakakatawa? May something ba sa face ko?” Umiling siya. “Wala naman, haha.” “Putragis ka,” anito. Maging si Karina ay tumawa na rin. Dumating ang araw na kailangan na niyang operahan. Si Karina lang ang kasama niya. Walang iba. Rowam was not there dahil may exams ito at hindi naman niya ito ino-obliga na samahan siya. Karina's presence ks enough for her. Pero hindi niya maiwasang isipin ang kanyang pamilya. Kung pamilya pa bang matatawag ang mga taong nag-abandona sa kanya. “You can do this, Yvonne. Don’t falter,” pabulong niyang wika sa kanyang sarili habang itinutulak siya ng mga nurses at doktor papunta sa operating room. She feel the needle pricked her. It sting a little bit and in seconds, she closed her eyes. NAGMAMADALI na tumakbo papunta sa ospital si Rowan pagkatapos ng kanyang final exams. Hindi na niyang nagawang umuwi dahil gusto na niyang malaman kung ano na ang kondisyon ng dalaga. “Any updates?” Gulat na nag-angat ng paningin ang dalagang si Karina nang marinig nito ang kanyang boses. “Eh? Bakit ka nandito?” nagtataka nitong tanong. “Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo siya?” “Tsk. I’m her roommate.” Lalong nanlaki ang mga mata nito dahil sa narinig. Tumayo ito at mariin siyang tiningnan. “Seryoso ka ba?” naninigurado nitong tanong sa kanya. Tumayo siya. “Any update?” tanong niya ulit. Hindi siya mapakali. Bumuntonghininga ito. Maging ang dalaga ay balisa rin at hindi na rin makapaghintay. “Hindi pa siya lumalabas. It’s been hours,” anito. Pareho silang umupo sa benche at taimtim na nagdasal para sa kapakanan ni Yvonne. Pareho rin silang napatyo nang mabilis nang bumukas ang pinto sa Operating Room. “The operation went smooth and the patient is in the recovery room.” May sinabi pa ang Doctor pero hindi na siya nakinig dahil parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib dahil maayos na ang dalaga. Sa wakas, magiging maayos na rin ito. LIGHTS. Naipikit ni Yvonne ang kanyang mga mata nang pagdilat ay liwanag ang sumalubong sa kanya. Iginalaw niya ang kanyang ulo sa kaliwa. Nakita niya ang dalagang si Karina na natutulog sa isang maliit na sofa. Mabilis itong nag-angat ng tingin sa kanya nang maramdaman nitong gising na siya. “Yvonne!” bulalas nito. “Kamusta ang pakiramdam mo?” nag-aalala nitong tanong. Tumaylngo lang siya. She feel a stinging and throbbing pain in her chest. Dahil iyon sa mga presking hiwa sa kanyang dibdib. “I’m fine,” she mouthed. “Tatawagin ko ang Doctor,” presinta nito. Sa sumunod na mga araw at buwan ay palitan sa pagbantay sa kanya ang dalawang kasama. Nahihiya na nga siya lalo na kay Rowan dahil hectic ang shedules nito sa school. Mabuti na lang at naroon ang mga magulang ni Karina para tumulong sa kanya kapag may pasok ang dalawa. Months passed, gumaling na siya. She then continued her studies hanggang sa matapos niya ang kanyang kurso. Ganoon din ang dalawa niyang kasama. “Grabe! I can't believe na ga-graduate ka na,” natutuwa niyang sabi kay Rowan. She would be attending his graduation. Nakangiti ito sa kanya. “Same here. Hindi ko rin akalain na matatapos ko ito. I was hesitant dahil natatakot akong mag-fail but in the end, I survived,” proud na proud pa nitong sabi. “Naiinggit tuloy ako.” “Shh. Don't say that. I’m sure malapit ka na rin naman,” pang-aalo nitong sa kanya. Ngumiti siya. “Of course. I need to finish this battle.” Mauuna sa kanyang pumunta ang binata dahil may practice pa ito habang siya ay walang pasok. Next years would be more hectic for her. Nagsuot siya ng puting dress na akma sa lugar. Tinawagan niya si Karina. “Girl, hindi ako makakasama. J have sore throat,” anito. “Hala! Bakit?” “I don’t know.” “Hmp! Baka naman kung anong kababalaghan ang sinusubo mo?” pabiro niyang tanong na ikinatawa ng kaibigan. “Sira! I’m not like that,” pagtanggi pa nito. “Hahaha! Ayan, naka-karma ka na.” “At least, may natikman. Ikaw diyan waley pa rin,” biro pa nito. Napahagalpak siya ng tawa. “Ewan ko sa ’yo.” “Sinabi ko naman na sa iyo noon na umamin ka na. Hay, naku. Kapag ikaw naunahan, iiyak ka talaga.” Napangiwi siya. “Sana hindi humantong sa iyakan ’to. Ewan ko ba. Natatakot ako, Karina. Alam mo naman ang nangyari sa amin ni Kevin. I do not want to experience that again,” aniya. Bumuntonghininga ito. “O siya. Basta kapag handa ka na, gawin mo na. Kung ayaw mo naman, ako na lang. Gagapangin ko siya for you,” malanding sabi nito. “Sira ka talaga. Ewan ko sa iyo. Sige na. Gusto ko sanang sumama ka.” “Huwag na, uy. Alam ko namang tuwang-tuwa ka kasi maso-solo mo siya,” tukso pa nito. “Sige na nga. Maghahanda na ako at aalis na rin.” Ibinaba na niya ang tawag at kaagad na gumayak. Mabilis lang naman ang lalakarin niya dahil malapit lang amg gymnasium ng university. Nasa loob lang din naman ng campus ang dormitory kaya hindi na niya kailangang mag-commute. She followed the other parents na excited din na makita ang kanilang mga anak na pumaso. Maging siya ay may ngiti sa labi. Masaya siya para sa binata. Nagsisimula na ang program. Napalingon siya sa kanyang gawi ng may umupo sa kanyang tabi. It was a beautiful woman. Maiksi ang blonde nitong buhok. Maputi at parang may lahing amerikano. Nginitian siya nito. “Pinoy ka?” tanong nito na ikinagulat niya. Tumango siya ngunit hindi siya nagsalita. She was shocked dahil hindi niya inaakala na marunong itong magtagalog. “May ga-graduate ka ba na nobyo? Hindi ka naman magulang sa tingin ko,” nakangiti nitong sabi. “Ah, no. Hindi ko siya boyfriend,” tanggi niya. “Huh? So, ano ka lang niya?” tanong ulit nito. “Ka-Kaibigan,” utal niyang sagot. “Hmm. Bakit parang hindi ka sigurado?” natatawa pa nitong tanong ulit. Gusto na niyang mainis sa babae dahil sa sobrang ingay nito. Sa kanya ito nakatuon imbis na sa mga pumapaso. “Well, I’m here for someone that I rooted for. Magaling siya na lalaki, mabait, masunurin, at higit sa lahat, mapagmahal.” Parang may kung ano pumitik sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. Something inside her seemed bothered by her presence. Hindi niya alam kung bakit si Rowan kaagad ang pumasok sa kanyang isipan. Hindi naman siguro ang binata ang ibig sabihin ng babae. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Nang tawagin ng master of ceremony ang pangalan ng binata at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-ngiti ng kanyang katabi. Natulala siya at nang pumalakpak pa ito ay mas lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Malakas ang kutob niya na ang binata ang sinusuportahan ng babae. Lumingon ito sa kanya. “Hindi ka yata pumapalakpak. Sino ba ang ipinunta mo rito?” “Ah, ba-basta,” aniya saka nag-iwas ng tingin. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Kaya ba hindi siya nililigawan ni Rowan ay dahil may girlfriend na itong tinatago sa kanya? Kaya ba parang wala itong paramdam sa kanya? She had all the right to be mad dahil para siyang ginawang tanga ng binata. He gave her hints. But, was it hints? Or baka naman siya lang ang umasa? Huminga siya nang malalim upang huwag mainis sa katabi na parang bulate sa sobrang likot. Hindi rin ito humihinto sa pagsasalita na lalo lang nagpapataas ng kanyang presyon sa dugo. Naiinis siyang yumuko. Gusto na niyang umalis ngunit nasa gitna siya ng mga nakahelira na upuan. Nakakahiya naman kung aalis na lang siya ng basta-basta. “Hey, ayos ka lang ba? You looked tensed,” komento pa nito. Palihim siyang napairap dahil nakuha pa nitong pasadahan siya ng tingin. “I’m fine,” mapait ang ngiti niyang sabi. “Don’t mind me," aniya. Palihim niyang pinapagalitan ang sarili dahil wala naman siyang karapatan na magalit sa babae. Wala rin naman itong alam. At wala ring alam si Rowan sa kanyang nararamdaman. She was just delusional. Hindi dapat siya naiinis dito dahil wala itong alam. Natapos ang ceremony na atat siyang umuwi. Ayaw na niyang lapitan pa ang binata. Nagsisimula ng magsilapitan ang mga magulang na kasama niya ngunit nanatili siyang nakatayo. Tatayo na sana siya nang biglang tumakbo ang babaeng kanyang katabi habang nakataas ang ere ang kamay at excited na lumapit sa isang pigura. “Congrats!” Nagtatalon pa ang babae habang niyayakap ang lalaking iniibig. Parang dinudurog ang puso ni Yvonne habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi man lang siya napansin ng binata. Nakangiti pa nitong niyakap ang babae at nang makita siya nito ay huli na. Tumakbo na siya palabas ng gymnasium at mabilis na naglakad pauwi habang pinipigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. She feel like a jerk. Walang kasalanan ang binata maging ang babaeng kayakap nito. Siya lang ang umasa sa pinapakitang kabutihan sa kanya ng binata. She felt pathetic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD