Sinuot ko na ang aking bath robe na hinanda ko lang kanina ng makarating ako ng condo unit ko. Kakatapos ko lang kasi maligo ngayon, medyo nagtagal ako sa loob ng banyo dahil nagbabad muna ako sa bathtub. Kanina nga muntikan na naman akong makatulog kaya naisipan ko ng umahon para makapagpahinga na ako sa totoong kama. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa paligid ng condo unit ko. Mabuti na lang ay dito ako dumiretso ngayon para magpahinga ng ilang araw. Kahit naman na magtagal ako dito ay wala namang maghahanap sa akin sa bahay, kaya mas mabuti pa na dito na lang ako. Kanina ay akala ko hindi ako papayagan ni Raphael na dito dumiretso lalo na sa kondisyon ko, akala ko kailangan ko pang maglahad sa kanya ng iba't ibang rason para payagan niya ako pero hindi ganoon ang nangyari

