Nakangiting tumakbo papunta sa direksyon ko si Ria, papasok na kasi ako ng mansyon dahil tinawagan ako nila Papa at Mama for lunch. Hindi ko naman alam na supresa pala ang pagdating ni Ria. "Ate!" Agad namang sumilay ang ngiti sa labi ko ng bigla akong niyakap ng mahigpit ni Ria. "Ria! when did you arrive?" tanong ko sa kanya ng humiwalay na siya pagkatapos niya akong yakapin. Napatingin ako sa kabuuan ni Ria dahil kakaiba na ang suot nito. She is currently wearing a very sexy red dress, sa huli ko kasi naming pagkikita ay halos pang maria clara pa rin ang suot niya. Bukod roon ay naka-make up rin siya hindi katulad dati na nibahid ng lipstick ay wala. Actually mas bagay nga sa kanya ang suot niya ngayon, napangiti ako habang nakatingin kay Ria. Nakangiting nakatingin sa akin si Ria,

