"Ma'am nasa baba na daw po ang company driver," tumango ako ng marinig ko ang sinabi ni Cheska. Tumayo na ako at kinuha ang shoulder bag ko bago naglakad palabas ng opisina. Alas tres na kasi ng hapon at dapat tatapusin ko pa sana ang naiwan kong mga trabaho kaso palala ng palala ang nararamdaman kong sakit ng ulo. Naalala ko ang sinabi ng babaeng doktora tungkol sa kondisyon ko. Sa totoo lang ay bumisita ako sa ospital at nakausap ko ang doktor ko last four days ago. Pareho lang ang sinabi sa akin sa sinabi ng unang doktor. Hindi talaga advisable sa akin ang pumasok muna sa trabaho, dahil amasyadong maselan ang pagbubuntis ko. Kaya simula next week ay naka-indefinite leave ako at naisip ko na magbakasyon sa isang probinsya mag-isa kung saan makakapagpahinga ako ng maayos at makakalan

