Unti-unti kong binuka ang mga mata ko, pinahiran ko ang mga luhang tumutulo sa magkabilang gilid ng aking mga mata. Ang una kong napansin ay ang pamilyar na ceiling ng kuwarto ko. Unti-unti akong bumangon at napaupo sa kama. Napatingin ako sa paligid ko, medyo madilim ang paligid dahil nakasarado ang lahat ng kurtina [erp sigurado akong nasa dating kuwarto ko ako ngayon sa mansyon namin. Anong ginagawa ko rito? Napahawak ako sa ulo ko dahil nakakaramdam ako ng kakaibang kirot na para bang nababasag ang ulo ko. Muling bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa akin. Naalala ko ang kawalanghiyang ginawa ni Nick at ng kapatid ko. Lahat ng nangyari ay paulut-ulit na tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka. "Anong ginagawa ko dito?" malakas kong bulaslas sa sarili. Bigla akong napat

