Lalo kong siniksik ang sarili ko sa unan na katabi ko ngayon. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng makanap ako komportableng posisyon. Pero bago pa ako tuluyang makatulog uli ay bigla kong naramdaman ang pagdantay ng kung anong mabigat sa tiyan ko. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maalala na ganito kabigat ang unan na katabi ko. Huminga ako at doon ko lang pumasok sa sistema ko ang pamilyar na amoy ni Nick. Si Nick, imposible naman siya itong kayakap ko ngayon. Unti-unti kong binuka ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin nitong dibdib. Nanlaki ang mga mata ko at miangat akong napatingala para masiguradong siya nga ang katabi ko ngayon. Anong ginagawa niya rito? Bakit dito siya natulog sa kuwarto ko kagabi? Siguro nalasing siya kagabi at nagkamali siya ng pasok ng kuwarto.

