Hindi ko inaasahan na makakaharap ko si Nick ngayon, bumaba ako para uminom ng malamig na tubig dahil nag-iinit talaga ang ulo ko habang nakatingin sa pangalawang batch ng pictures ni NIck na kasama ng babae niya. Hindi ko siya gustong makita ngayon dahil alam kong lalabasa ang sama ngloob ko ngayon lalo na ang tagal niya pang hindi nagpakita at nagparamdam sa akin. Kung wala ang mga assistants niya ay hindi ko pa malalaman kung buhay pa siya. Nakatikom ang bibig ko habang piipigilan ko ang sarili kong sugurin siya. "Calm down, Red." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palapit sa refrigerator. Nakaupo si Nick sa isang high chair habang tutok na tutok ang atensyon sa alak nito. Alam kong napansin niya ako pero hindi niya lang ako pinapansin. Nagngingitngit ang kalooban ko dahil

