Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo basa pa ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo at ngayon ay nakasuot na ako ng night dress. Hindi ko inakala na sobrang tagal matapos ang araw na ito mula sa seremonya ng kasal hanggang sa pag-alis namin papunta sa private Island na ito kung saan dito muna kami mamamalagi ng isang buong linggo para sa honeymoon namin. Ang buong akala ko ay wala ng honeymoon na magaganap lalo na't hindi naman sang-ayon simula't sapol si Nick sa kasal namin. Siguro wala siyang nagawa dahil ang private island na ito ay regalo sa aming dalawa ng pamilya niya. Kailangan niyang umarte na ayos lang sa kanya ang lahat ng setup namin. "I'll get through this," sambit ko sa sarili. Lumabas na ako ng kuwarto, napatingin ako sa palibot ng malaking kuwarto at ag

