"I vow to love, honor, and cherish you, forsaking all others, as a faithful husband as long as we both shall live." Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na ngayon si Nick, sa gitna ng altar kung saan kakatapos lang namin magsabi ng vows namin sa isa't-isa. Napatingala ako at napatingin sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ipeke ang arte niya. Ngayon ay ngiting-ngiti siya sa harap ko at sa harap ng napakadaming tao kung saan nakatingin sa bawat galaw namin. Iyong klase ng ngiti niya ngayon ay parang sumisigaw na siya na ang pinakamaswerteng lalaki dahil napakasalan niya ako. Pero ang totoo naman kabaliktaran talaga ang totoo niyang nararamdaman ngayon. Kahit pa nakingiti siya ay kitang kita naman sa mga mata niya ang tunay niyang nararamdaman. Hatred. Huminga ako

