"Tara labas tayo!" pamimilit na aya sa akin ni Ria habang nakahilata pa ako sa higaan. Plano ko pa namang matulog hanggang tanghali pero ito alas diyes pa lang ng umaga ay kinukulit na ako ni Ria na gumising para magmall kami. "Saan naman tayo pupunta?" napahikap pa ako habang nagtatanong ako sa kanya. Inaantok pa talaga kaya ayoko pang tumayo dito sa higaan ko, hindi ko maintindihan kung bakit ang aga ni Ria gumising lalo na at apaniguradong may jet lag pa siya dahil sa biyahe niya kahapon. Pero base sa suot niyang dmait ay nakaligo na siya at nahanda na siya para lumabas. "Sa mall! Kailangan ko ng mga bagong damit and so are you Ate." Pagyugyog pa ni Ria sa braso ko na parang bata. Dahil sa ginawa niya ngayon ay parang mas sumaskait ang ulo ko. "Okay, okay! Aalis tayo mamaya mamayan

