Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay third year college na kamiang dalawa ni Krissa samantalang si Ria ay second year college na. Noong nakaraang taon ay sinupresa ni Ria ang mga magulang namin na dito na siya sa Pilipinas mag-aaral kahit na dati ay gustong-gutso niyang lumayo ng paaralan. "Hindi ako makapaniwalang ganyan-ganyan ako dati," sambit ko sa hangin habang nakatingin sa isang lalaki at babae, iyong lalaki ay umiiwas sa babae habang ang babae ay habol ng habol sa lalaki. Napapailing ako habang nakatingin sa dalawa, para kasing nakikita ko pa ang dalawang nakaguhit na piuso sa dalawang mata ng babae. Halatang halata sa babae na sinusuyo niya ang lalaki at one sided lang ang pagkagusto nito dahil halatang walang interes ang lalaki sa kanya. Just like what I experience in my pr

