"W-what are you doing here?" Nabubulol ko pang tanong kay NIck dahil biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Sigurado akong hindi lang dahil iyon sa pagkabigla pero dahil din sa presensya niya na sobrang naapektuhan ako. "Can't I come here?" Unti-unti siyang humakbang papunta sa akin at habang papalapit siya sa akin ay hinihigit ako ng aking hininga. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya, hindi ko alam bakit ganito ako ka nerbiyos ngayong kaharap ko siya. Kinakabahan ako at sa kalooblooban ay ilang araw ko ng inaantay na muling magkaharap kaming dalawa ng kami lang at walang taong nakapaligid sa amin. Pero ngayong andito na siya sa harap ko ay hindi ko alam kung anong sasabihin. Inalis ko ang tingin sa kanya at muling humarap sa veranda. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na pap

