START
Nakaupo si Vaughn sa swivel chair sa loob ng kaniyang opisina at nakataas pa ang mga paa sa table habang nakatingin sa hawak na litrato ng isang teenager na babae na nakasuot ng highschool uniform.
“Napakaganda mo . . .” mahina niyang anas at napahaplos pa sa ibabang labi habang titig na titig pa rin sa litrato. “Did you know your brother betrayed me? After borrowing a huge amount of money, I later discovered he was part of the rival gang. He didn’t just take my money . . . he used me. He was a f*****g rat. He gathered information, all to figure out how to bring me down.”
Umigting ang panga niya sa galit nang maalala na naman ang pagtraydor sa kaniya. Muntik na niyang lukutin ang litrato sa kaniyang kamay, pero nagpigil siya. Bagkus ay dinampot niya sa table ang phone at may tinawagan.
Matagal bago sinagot ng taong tinawagan niya, huling ring na.
“What do you want?” maangas nitong bungad sa kaniya na parang iritado pa.
Umigting naman ang panga niya sa gigil. Talagang napakayabang porke wala sa harap niya ang bastardong ’to!
“Watch your tone, Reon. You seem to have forgotten who you’re talking to.”
Natawa naman ito sa sinabi niya imbes na matakot. “Bakit sino ka ba sa tingin mo, ha? Inaasahan mo ba na matatakot ako sa isang tulad mo?”
Nagtagis na lang ang mga bagang niya sa maangas pa rin nitong sagot. “Just because you ran away from the group doesn’t mean your sins disappeared with you.”
Natahimik naman ito bigla at hindi agad nakasagot.
“Your total debt to me has already reached 100 million. And it’s been two years . . . long enough for interest to build up. 50% interest, and that brings your total to 150 million. Magbayad ka na bago pa tumaas ng one hundred percent ang interest.”
“B-Babayaran kita, maghintay ka lang ng mga isang buwan pa,” sagot na nito na parang nawala bigla ang kaninang angas sa boses.
“Masyadong matagal ang isang buwan. Kilala mo ako, ayoko ng maraming satsat pagdating sa pera.”
“Basta maghintay ka lang, babayaran kita sa lalong madaling panahon.”
“Kung isang buwan pa ang kailangan kong hintayin bago ka magbayad, papayag naman ako. Pero dapat may kapalit.”
“Ano?”
“Ibigay mo sa akin ang kapatid mo bilang collateral.”
“At ano naman ang gagawin mo sa kapatid ko?!” sigaw nito na parang nagulat na at nag-panic bigla. “Paano mo nalaman ang tungkol sa kaniya, ha?!”
Napangisi naman siya. “Oh, is that supposed to sound scary?” he mocked. “Come on, Redion. You act surprised, but honestly . . . I’m disappointed. Sa ilang taon na naging magkaibigan tayo, ni hindi mo man lang nabanggit sa akin na may maganda ka palang kapatid—”
“You bastard! Leave my sister out of this!” galit na sigaw muli nito na halata na ang pangamba. “Huwag na huwag mong pakikialaman ang kapatid ko!”
He just chuckled dangerously.
“Don’t worry. I already introduced myself to her last week. And she’s surprisingly sweet . . . her voice was like music whenever she spoke. Para akong hinaharana.”
“I’m warning you, Vaughn Ross. Don’t you dare lay a finger on my sister. Papatayin kita sa oras na lumapit ka pa ulit sa kaniya!”
“Then pray you can pay your debt. You have three days. If you fail to pay, I will come for your little sister. At sa oras na makuha ko siya mula sa ’yo . . . sisiguraduhin kong hindi mo na mababawi pa. Even if you double your debt, you won’t be able to buy her back. So good luck, you f*****g rat.”
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Reon at binabaan na niya ito bago muling tumingin sa hawak na litrato ng bunsong kapatid nito.