Nagmamadali ang mga kilos at agad na inasikaso ang kanyang mag iina. Naiwan silang lahat sa lobby ng hospital habang binibigyan ng lunas ang mga ito. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kanyang dibdib, ang kaalaman na buhay pa ang asawa at may pag asa pang mailigtas ito ay nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas. "Anak!" Si Daddy niya na agad na lumapit ng makita siya nito. Kasunod nito ang kanyang mother in law, si Mommy Deth na kahit kailan ay di siya itinuring na iba. Niyakap siya ng Daddy niya at umiiyak na yumakap sa kanya ang madrasta niya. "Sorry Thunder kung ngayon lang kami, kumusta ang mga bata at s-si Carissa nasaan ang katawan niya?" Tanong nito sa kanya. "Mom, buhay si Carissa. Huminto lang ang heartbeat niya, nasa loob pa sila ng mga bata." Sagot niya dito. "Oh thank you

