Naglakad siya sa likod bahay kung saan laging tumatambay ang asawa. Naglakad siya papunta sa rebulto na nasa likod lang, pinalabas siya ng mga kaibigan niya kailangan niya daw na huminga na muna. Malayo palang ay dama na niya ang tila enerhiya na tila humihila sa kanya papunta sa harap ng ribulto. "Wala na po siya." Tila batang sumbong niya sa rebulto. "Salamat sa pag gabay sa asawa ko habang nagbubuntis pa siya." Usal niya, alam niya na malaking bagay upang mapatatag ang asawa noon ay ang matibay na pananampalataya nito sa kabila ng sinapit nito. "Ang sakit lang na nawala lang siya sa akin ng ganun, gabayan nyo po ako na matanggap ko ang lahat ng ito. Ang mga anak ko sana mapalaki ko sila ng maayos. Ipinapaubaya ko na po ang asawa ko sa inyo!" Napaluha na naman siya. "Gusto ko pong

