CND56

1603 Words

Maingat niya na hinaplos haplos ang buhok ng kanyang asawa. Napahagulhol siya sa sibrang sakit at bigat sa dibdib. Lalo na pag sumasagi sa isip niya na maliliit pa ang mga anak niya at wala ng ina ang mga ito. "Paano naman kami? Paano na ako?" Walang ampat ang luha sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga iyon. Napalayo siya sa asawa ng makitang pumasok si Nanay Belen na may dalang palanggana na may tila dahon dahon. "Ano po yan Nanay?" Tanong niya sa matanda. Batid niyang nasasaktan din ang matanda sa sinapit ng asawa niya. Alam niyang itinuturing na nitong pamilya ang asawa niya. "Para ito sa mga bagong panganak, para maampat ang dugo. Ito naman ay para di siya mabinat." Sabi nito na napahagulhol. Mukhang kagaya niya ay di rin nito matanggap na wala na ang asawa niya. Sino ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD