Thunder pov Nagising siya na nilalamig kaya naman kahit nakapikit ay kinapa niya ang asawa. Napadilat siyang bigla ng makitang wala ang asawa sa tabi niya. Nakiramdam na muna siya sa paligid at baka nasa CR lang ito. Ngunit lumipas pa ang ilang minuto ay walang Carissa na lumabas mula sa CR. "Carissa!" Halos pasigaw na niyang tawag sa asawa. Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya ng kanilang silid, una niyang binistahan ang kusina at sala ngunit walang ni bakas na nandun ang kanyang asawa. Inisa isa niyang bukas ang mga silid. Nagpanic siya ng mapunang maging ang kanyang mga kaibigan ay wala sa silid na inilaan ng asawa para sa mga ito. Halos takbuhin niya na ang pinto at nagulat pa siya ng makita ang mga kaibigan na naghihilik sa tila bahay kubo na karugtong ng bahay. "Bakit ka sum

