Parang nanibago siya na matulog katabi ang asawa, pero alangan naman di niya ito patabihin e asawa naman niya. Bukod pa sa tila gusto niyang magpahilot ng balakang niya dahil medyo nangangalay na naman. Nasanay yata kay Nanay Belen na kinakapa kapa nito ang kanyang balakang lalo pag hapon. Nahihirapan kasi siya na tumayo lalo pag iihi sa gabi. Gusto niyang umihi pero di niya magawang igalaw ang balakang niya. Nahihiya naman siyang gisingin ang asawa lalo at alam niyang napagod ito sa biyahe. Muli siyang nagtangka na bumangon pero para lang siyang tipong para lang siyang naglalaro na pag tatagilig siya ay napapabalik siya. Nang muli siyang nagtangka ay smooth lang dahil itinulak na siya ng asawa pabangon. Nakangisi siya nitong tiningnan. "Next time wake me up baby, di kana dapat mahiya p

