Stage four na ang cancer ni Carissa yun ang nalaman niya. Ilang beses itong nag seizure habang nasa loob ng Emergency room. Naiiyak lang siya habang nagdarasal sa labas ng ER. Napahagulhol siya ng makita ang pag aagaw buhay ng babae sa loob. Lumipas ang mga araw na halos sa hospital na ito nanatili. Habang tumatagal ay palala ng palala ang kalagayan ng babae. Hanggang umabot na sila ng tatlong buwan sa hospital. Nasa milyon na din ang nagagastos nila, sa pagpapagamot ng babae, pero balewala lang yun dahil pera naman nito ang ginamit niya. Humingi na din naman siya ng assistance mula sa local government lalo na sa mga kailangan nila. At di naman nagdamot ang mga ito, halos kilala na din siya sa hospital. Di na din makausap si Carissa, ang pinsan niya ang nakakapalitan niya sa pagbabant

