Chapter 9

1091 Words
Isinara agad nila nanay ang pintuan. Tumingin kami sa paligid. Wala kaming nakitang infected. Tumango ako kay Mang Berto. Tinuro niya ang Kaliwang pintuan. Tumango ako sa kanya. Naglakad na kami. Ng makarating kami sa pintuan. Nagkatinginan kami. Tinuro niya ang sarili niya na unang papasok. Tumango ako. Nauna siyang pumasok. Tahimik sa loob. Nagkakalat ang mga gamit halatang nagkagulo dito. Nagkakalat din ang mga dugo sa paligid. Dahan dahan kaming pumasok. Dumeretso kami sa may lutuan. Naghalungkat si Mang Berto sa mga lalagyan. Nakakita kami ng bigas. Nilagay niya sa Bag na nasa likod niya. Nakita namin ang ilang piraso ng dilata na binigay pa ng baranggay. Paalis na kami ng makarinig kami ng ingay. Mabilis na nagtago kami ni mang Berto sa sulok. Nakita namin na dumaan ang dalawang Infected. Nahigit ko ang hininga ko. Nang lumampas sila dahan dahan kaming lumabas ni mang Berto. Pinasok din namin ang sumunod na bahay. Nakakita din kami ng bigas dito at ilang dilata. Ligtas naman kaming nakabalik. May mga biscuits pa kaming nakuha. Kaya tuwang tuwa ang anak nila at ang kapatid ko. Ilang araw din naming naging pagkain ang nakuha namin. "Kailangan na naman nating lumabas." Sabi ni Mang Berto sa akin tumango ako sa kanya. Kagaya ng dati nakabalot kami ng damit at masking tape ng lumabas ng bahay. Kailangan na naming lumayo dahil napasok na namin ang ilang bahay na nasa malapit sa amin. Nakita namin na nakasarado ng maigi ang mga bahay. Paliko na kami sa iskinita ng makita namin na maraming infected ang madadaanan namin. Nagkatinginan kami ni Mang Berto. Anong gagawin namin kailangan naming dumaan dun. Walang ibang daanan. Nang may naisip ako. Hinubad ko ang kaserola na nasa ulo ko. Napatingin si mang Berto sa akin. sinenyasan ko siya na maghintay sandali. Sumilip ako sa iskinita na dadaanan namin. Nakita ko na madami ang infected dito. Pagtingin ko sa pintuan na pinagkukumpulan nila. Nakita ko na may dalawang bata na nagtatago sa loob. Tumingin sa akin ang isa. Senenyasan ko ito na wag maingay. Tumango naman ito. Bumwelo ako bago ko hinagis sa malayo ang kaserola na hawak ko. Sabay tago sa gilid. Nagtakbuhan papunta dun ang mga infected. Nagmamadali kong nilapitan ang dalawang bata. Natigilan ako ng makita na sugatan ang isa. "Wag kang magalala ate sumabit lang siya sa yero na nasa gilid ng bahay namin." Sabi ng isa. Napatingin ako dito. "Nasan ang mga magulang niyo?" Tanong ko sa kanila. "Infected na sila." Sagot ng isa. Malungkot na tiningnan ko sila. Napalingon ako ng lumapit sa amin si mang Berto. "Bilisan natin. Ang susunod na bahay bahay ni Aling Pas." Sabi ni mang Berto. Napangiti ako. Dahil si Aling Pas ang may tindahan sa lugar namin. Ibig sabihin marami kaming makukuha na pagkain dito. Kaso ng papasukin namin ito nakita namin na nasa loob ng bahay niya ito. Infected na ito. "Palalabasin ko siya magtago muna kayo." Sabi ko sa kanila. Tumango si mang Berto. "Magiingat ka." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Niyaya na niya ang mga bata nagtago sila. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Kumuha ako ng bala ng Pana ko. Ibabala ko na sana ito kaso. Nakita niya ako nagmamadali itong Sumugod papunta sa akin. Nataranta ako. Dinamba ako agad nito. Nasangga ko siya ng Braso ko. Kaya dito siya kumagat. Tinulak ko siya pero malakas siya. Kaya bumagsak kami sa sahig. Napilitan akong tusukin siya ng bala ng pana sa ulo niya. Wala na itong buhay na bumagsak sa sahig. Nagmamadali akong tumayo. Hindi ako makapaniwala na napatay ko siya. Nagulat ako ng may hunawak sa akin. Pagharap ko nakita ko si mang Berto kasama ang dalawang Bata. "Ayos ka lang? Nagalala kami sayo. Kaya sumunod na ako." Sabi niya. Napalunok ako saka tumango sa kanya. Napatingin siya sa walang buhay na matanda sa sahig. "Halika na aka magsibalik na ang mga yun. Kailangan natin magmadali." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Pumunta kami sa tindahan ng matanda." Tuwang tuwa si mang Berto ng makita na puno ng pagkain dito. " Ako na po ang kukuha ng bigas. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya kinuha niya yung sako sa gilid inabot niya sa akin. " diyan mo ilagay ako na ang magbubuhat mamaya." Tumango ako. Ng matapos kami binuhat niya ang saka ako ang nagbuhat sa bag dala naman ng mga bata ang isang echo bag na may laman ng mga biscuits at chitchiria nila. Nagmamadali kaming lumabas at bumalik sa bahay. Nagulat si nanay ng makita na puro dugo ako. " Wala po ito nay." Sabi ko sa kanya saka nagpaalam na maliligo lang ako. Paglabas ko tuwang tuwa ang kapatid ko kasi ang dami nilang pagkain. Kinakausap naman ni aling Mameng ang dalawang bata. Kinabukasan nagkakatuwaan kami ng makarinig kami ng sigawan sa labas. Napasilip kami sa bintana nakita namin na hinahabol ng Infected ang isang maganak. Naawa ako sa kanila. Tutulungan ko sana sila Pero pinigilan ako ni mang Berto. "Huli na infected na sila." Sabi ni mang Berto sa akin. Napatingin ako uli sa bintana. Nakita ko na may kagat na ang mga ito. maya maya sinumpong na ang isa sa kanila hangang lahat na sila. Nalaglag ang bag na hawak ng lalake. natapon ang bigas na laman nito. "Ginaya nila tayo. Nakita siguro nila tayo kahapon pero naabutan sila ng mga infected." Sabi ni mang Berto. "Hangang kailan tayo ganito?" Tanong ni Aling Mameng. Naging tahimik na kami. tinitipid namin ang pagkain namin. Sumunod na araw nakarinig uli kami ng sigawan sa labas. Pagkaraan ng ilang linggo. Binalikan uli namin ang tindahan nila aling Pas. Inubos na namin ang laman nito. Kinakatok namin ang mga sarado na bahay na nadadaanan namin iniiwanan namin ng Pagkain sa labas para hindi na nila kailangang lumabas pa. Tinipid namin ang pagkain namin. "Konti na lang ang pagkain natin. Kailangan nating Lumikas dito. Mukhang walang darating na rescue sa atin dito." Sabi ni mang Berto. " Pero saan naman tayo pupunta? " Tanong ni Aling Mameng. " Saka dilikado sa labas." Sabi ni nanay. " Mas madidilikado tayo dito. Oras na matagpuan nila tayo dito. Hindi tayo safe dito. Isa pa paubos na ang stock natin." Sabi ni mang Berto. Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya dahil hindi matibay ang mga ding ding namin. Kapag nagsabay sabay na itulak ng infected ang pintuan namin siguradong matatangal ito at mapapasok kami nila. " Tama siya nay. Kailangan natin makahanap ng maayos na lugar. Yung safe kesa dito. " Sabi ko kay nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD