"Ikaw lang pala. Pinakaba mo kami. Naghahanap ka ng makakain mo? Tanong ko dito saka pumunta ako sa lababo namin kinuha ko ang tira ko sa kanya kanina na sardinas binigay ko sa kanya.
Hinimas ko ito habang kumakain. Maya maya sumilip so nanay sa akin.
"Si ming ming lang pala nay." Sabi ko aa kanya. Huminga siya ng malalim.
"O siya pagkatapos mong pakainin yan bumalik kana sa kwarto. " Sabi ni nanay tumango ako.
Ng matapos ito kumain hinugasan ko ang pinagkainan niya. Saka binuhat siya. Pumasok na kami sa kwarto.
Kinabukasan nakarinig uli kami ng sigawan sa kabilang bahay.
"Naku naya sila aling iska yun." Sabi ng kapatid ko.
Nayakap ko na lang ito. Nagkakainan kami ng tanghalian namin ng may kumakatok sa pintuan namin.
"Delia!"
Sabi sa labas.
"Delia" Tawag sa labas .
"Nay boses ni aling Mameng yun." Sabi ni Jepoy. Mabilis na tumayo kami.
"Delia buksan niyo ito papasukin niyo kami parang awa niyo na." Sabi nito sa pintuan namin. Nagkatinginan kami ni nanay. Pinapasok namin sa loob ng silid si Jepoy.
"Maglock ka ng silid ha wag kang lalabas kahit anong mangyari." Sabi namin dito. Nagmamadli itong pumasok sa silid.
Pinagtulungan namin ni nanay na tangalin ang upuan na nakaharang sa pintuan.
"Aling Mameng anong ginagawa niyo ditl?" Tanong ko sa kanila ng pamilya niya. Nakita namin na balot na balot ang mga ito ng kumot at may nakasaklob pa sa mga ulo nila na mga balde at kaserola. Pinapasok niya ang anak niya na babae at ang asawa niya.
"Wag kayong magalala wala kaming mga sugat." Sabi nito sa amin. Binalik namin ang bangko sa pintuan. Nagtangal sila ng mga nakabalot sa kanila.
"Pasensiya na nasira na kasi nila ang bahay namin. Kaya napilitan kaming lumikas. Dinala namin ang mga pagkain namin. "Sabi nito. Napatingin na lang ako sa kanila.
" Ano ba kasi ang nangyari bakit nagkaabot na sa atin ang mga infected?"
Tanong ni nanay dito.
" Nagulat na nga lang ako ng marinig ko na sumisigaw si Saling." Sabi ni Aling Mameng.
" Tapos narinig ko na lang na nagkakagulo na sa labas. Sinarahan namin ang bahay namin kaso alam mo naman ang bahay namin. Puro bulok n ang kahoy na ding ding namin. Kaya bumigay na ito ng tuluyan ng sugurin kami kanina." Sabi ni Aling Mameng.
" Buti na lang mga nakabalot na kami sa loob kaya hindi kami nakagat nila. " Sabi ni Mang Berto ang asawa niya. Parang gusto kong matawa sa itsura nila. Kasi balot ng masking tape ang buo nilang katawan binalot nila ng mga damit nila saka binalutan ng masking tape tapos nakasaklob sa ulo nila ang balde at mga kaserola. Pinalabas ko na ang kapatid ko sa kwarto ko.
" doon na lang kayo sa silid ko kasi dito na kami natutulog sa silid ni Aeris." Sabi ni nanay sa kanila.
" Naku salamat. " Sabi ni Aling mameng.
" Wala yun, Kumain na ba kayo? Alam ko may kanin pa sa kusina. Magbukas na lang kayo ng sardinas." Sabi ni nanay sa kanila.
" Naku salamat kanina pa kaming umaga hindi kumakain kasi Nagaalala kami na baka kami pasukin kapag narinig nila na magingay kami. " Sabi ni Aling Mameng. Naawa ako sa kanila. Pumunta sila sa kusina at nagsikain.
" May mga kagaya pa kaya natin na natitira dito? " Tanong ni nanay kay Aling Mameng.
" Ang alam ko meron pa naman. Pero si Kapitan nakita ko na infected na sila ng asawa niya. " Sabi nito. Napahinga ng malalim si nanay.
" Sana may dumating na rescue sa atin." Sabi ni Mang Berto.
" Sana nga dahil hindi tatagal ang mga stock natin." Sabi ni Aling mameng.
Inayos namin ng maigi ang mga harang sa bintana at pintuan namin.
" Buti na lang hindi na namamatay ang kuryente natin. Kaya may tubig parin tayo. " Sabi ni Nanay.
" Buti nga kahit papano. Mahirap kung mawala ang koryente natin. " Sabi naman ni Aling Mameng.
Ilang araw na naging maayos kami sa bahay. Kaso unti unting nauubos na ang supply namin..
" Anong gagawin natin wala na tayong pagkain? " Tanong ni Aling Mameng.
" Kailangan po nating lumabas para maghanap ng pagkain natin. " Sabi ko sa kanila.
" Ano ka bang Bata ka. Ang dami kayang infected sa labas. " Sabi ni mang Berto.
" Kung hindi po tayo lalabas mamatay po tayo sa gutom dito. " Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila.
" May punto siya. Tanga! " Sabi ni Aling Mameng sa asawa niya. Sabay hampas dito.
" E Anong gagawin natin? " Tanong ni mang Berto. Huminga ako ng malalim.
"Gagawin po natin yung ginawa niyo. Kailangan may lumabas sa atin na dalawa para maghanap ng pagkain." Sabi ko sa kanila.
" Samahan mo ako mang Berto. Dalawa tayong lalabas. Gagawin natin ang ginawa niyo. Babalutin natin ng makapal na damit ang katawan natin para kahit kagatin nila tayo hindi nila tayo agad agad masususgat. Cocoveran din natin ang ulo natin." Sabi ko sa kanya. Napalunok siya.
" Wag po kayong magalala dalawa naman po tayo. hindi tayo masyadong lalayo. Titingnan lang natin kung may pagkain sa mga katabi nating bahay." Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. Saka tumingin sa dalawang bata.
" Sige, Kailan tayo lalabas?" Tanong niya sa akin.
"Bukas ng umaga." Sabi ko kay mang Berto. Tumango siya. Kinabukasan pagkatapos naming kumain. Nagready na kami. Kinuha ko ang pana ko. Si mang Berto naman yung bat na hawak niya nung dumating sila. Sinaklob ni Aling Mameng sa ulo ko ang kaserola.
"Protection din yan sa ulo mo." Sabi niya saka ngumiti sa akin. Sa asawa naman niya ang isang balde. Napangiti na lang ako.
"Magiingat kayo anak. Wag na kayong lumayo." Sabi ni nanay sa akin Tumango ako sa kanila.
"Magsara kayo ng maigi dito. Kahit anong mangyari wag kayong magbubukas. Hangat hindi kami ang kumakatok ha." Sabi ko kay nanay. Saka yumakap sa kanila. Lumabas na kami ni mang Berto.