ARYNN DELA ROSA Tila nagulat ito sa sinabi ko dahil hindi siya nakaimik kaagad. Inobserbahan niya ako angd aking ekspresyon kung gaano ako kaseryoso sa sinabi ko. “I’m serious.” “Are you really? Kasi, Arynn, hindi mo pa ako ganoon kakilala and you want to live with me.” Bumagsak ang aking balikat at yumuko. “So, you won’t help me? Ayos lang sa iyo na hindi na tayo magkikita?” “Iyan ba ang sabi sa iyo ng Papa mo?” Tumango ako bilang sagot. Huminga siya ng malalim. “Tell me about your plan.” Lumawak ang ngiti sa aking labi. Upang walang makarinig ay binulong ko sa kanya ang aking plano. Ang plano kung paano namin mapapababa si Papa mula sa kanyang posisyon. “Arynn, hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay. Tingin mo ba ay—“ “Huwag ka nga maging negative thinker. Hindi ko

